Coco

Coco marami na namang matutulungan sa bagong series

January 27, 2023 Aster Amoyo 491 views

Coco1Coco2

MATAPOS mamayagpag sa ere sa loob ng pitong taon ang top-rating action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na hango sa classic hit movie ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. na siya mismo ang bida, co-writer, director at producer at ipinalabas nung 1996, isa na namang klasikong pelikula ni FPJ ang muling bibigyang-buhay sa telebisyon ni Coco Martin, ang action-comedy na “Batang Quiapo” which was shown in 1986 at pinagtambalan nina FPJ at Diamond Star na si Maricel Soriano na dinirek ng yumaong director na si Pablo Santiago mula sa magkatulong na panulat nina Pablo S. Gomez at writer-director na si Jose Carreon. Ito’y produced ng Regal Films with Mother Lily Monteverde, Charo Santos-Concio at Malou Santos as executive producers.

Isang powerhouse cast ang bumubuo ng “FPJ’s Batang Quiapo” na muling pinamamahalaan nina Malu Sevilla at Coco Martin na siya ring pangunahing bida ng serye, co-director, creative head at co-producer as well under his own CCM Film Productions.

Bukod kay Coco, tampok din sa cast sina Lovi Poe, Charo Santos-Concio, Christopher de Leon, Sen. Lito Lapid, Mark Lapid, Cherry Pie Picache, John Estrada, John Estrada, Susan Africa, Pen Medina at marami pang iba.

Tulad ng kanyang naunang longest-running action drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” tiyak na marami ring jobless actors ang matutulungan ni Coco sa kanyang bagong serye, ang “FPJ’s Batang Quiapo” tulad ng kanyang ginawa sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Award-winning Filipino film malapit nang mapanood

LatayLatay1Latay2Latay3

MALAPIT nang matunghayan sa mga sinehan ang pelikulang “Latay” na sinulat at pinamahalaan ni Ralston Jover and produced ni Baby Go ng BG Productions International at tinatampukan nina Lovi Poe, Allen Dizon, Snooky Soliman Cruz at Mariel de Leon (ang dating beauty queen na anak ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong).

Hindi pa man naipapalabas sa mga sinehan ang pelikula ay umikot na ito sa iba’t ibang international film festivals sa ibang bansa kung tumanggap ang pelikula ng iba’t ibang nominasyon at parangal para sa iba’t ibang kategorya tulad ng Gold Award Wallachi International Film Festival in Romania, Best Screenplay winner for writer-director Ralston Jover mula sa Queens World Film Festival in New York, USA, Best Director winner – Foreign Language Feature Fusion International Film Festival in Poland, muli rin itong nanalo ng ng Silver Remi Aweard Best Mature/Adult themes feature sa WorldFest in Houston, Texas. Nakatanggap din ito ng parangal – Awards of Excellence in Direction for Ralston Jover at the 7th Art Independent Film Festival in India. Same body awarded actor Allen Dizon as Awards of Excellence in Acting. Nanalo rin ang pelikula ng Best Global Feature Film sa 10th International Film Festival in Manhattan. Nanalo ring Best Actress, Best Actor at Best Screenplay sina Lovi Poe, Allen Dizon at Best Production Design (Jay Custodio) mula sa 19th Gaward Tanglaw Awards.

No-nominate din si Lovi bilang Best Actress sa Queens World Film Festival at Best Performance nominee naman si Snooky Serna sa Intetnational Film Festival – Manhattan.

Apat na nominasyon naman ang nakuha ng pelikula for Best Actor (Allen Dizon), Best Director and Screenplay and Jury Award nominee for Ralston Jover at Best Foreign Language Feature Film nominee sa 14th London International Filmmaker Festival World Cinema kung saan din nominated si Mariel de Leon as Best Supporting Actress.

Nominado rin ang “Latay” for Best Foreign Language Film at Fusion International Film Festival Warsaw kung saan din nominado si Jess Navarro for Best Editing maging sa Best Visual Effects and Design for Jay Custodio and T.M. Malones.

Kung nabibigyang-pansin ang ganitong klaseng pelikula sa iba’t ibang film festival and international award-giving bodies sa ibang bansa, sana’y masuportahan din ito ng local movie industry at ng moviegoing public in general na bihirang mangyari sa ganitong klaseng pelikula.

Iza at Bianca malapit nang manganak

IzaIza1Iza2

NAKATAKDANG isilang ng aktres na si Iza Calzado ang kanilang first baby ng kanyang huband, ang British-Filipino businessman na si Ben Wintle anytime soon.

Baby girl ang unang magiging supling ng couple.

Bilang paghahanda sa kanyang nalalapit na panganganak, pansamantalang pahinga muna ang Kapamilya actress sa kanyang social media.

Samantala, nakatakda ring magsilang any day ang actress-vlogger na si Bianca King courtesy of her husband si Ralph Wintle, ang nakabatang kapatid ni Ben Wintle na husband naman ni Iza. The couple is now based in Australia.

Halos sabay na nag-buntis sina Iza at Bianca tulad din ng mag-sister-in-law na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis sa kanilang respective first babies na dalawang buwan lamang ang pagitan.

Liza masaya kahit walang asawa

BIBIHIRA ang nakakaalam na ang award-winning veteran actress na si Liza Lorena ay naging 1st runner-up sa Bb. Pilipinas in 1966 when she was sixteen pushing 17. Dinaya lamang ang kanyang edad noon para matanggap siya bilang isa sa mga kandidata.

Bago pumasok sa Bb. Pilipinas, si Liza ay isa nang domestic flight stewardess ng Philippine Air Lines at receptionist ng PTTA ng Dept. of Tourism dahil sa kanyang beauty at height of 5’7”.

Ang Nepomuceno Productions ang unang nakakuha sa kanya matapos siyang manalo as 1st runner-up sa Bb. Pilipinas and was launched sa pelikulang “Dahil sa Isang Bulaklak” kung saan tampok sina Charito Solis and Ric Rodrigo.

Palibhasa’y maganda, mestiza, matangkad at Inglesera, maraming kalalakihan ang nanligaw sa kanya at kasama na rito ang dating matinee idol ng Sampaguita Pictures na si Eddie Gutierrez na ang common interest ay si Elvis Presley.

Masasabing si Eddie ang first love ni Liza. At 18, she became pregnant with her eldest child na si Tonton Gutierrez pero kahit may anak na ay nauwi rin sila sa hiwalayan.

Liza fell in love with other men hanggang dumating sa kanyang buhay ang businessman na si Honey Boy Palanca na naging ama ng kanyang second child (girl) na si Wednesday. Pero nagkahiwalay din ang dalawa.

Honey Boy (Carlos Palanca III) is now married to former beauty queen-turned actress Dang Cecilio (Bb. Pilipinas-Universe 1979) but the couple were not blessed with a child making Wednesday (by Liza Lorena) his only child at meron na rin siyang apo rito, his eldest grandchild na si Philippe Carlos na naging world golf champion at age 8. The boy is now 21 years old.

Liza has never married anyone but a proud mom to her two children na sina Tonton and Wednesday at tatlong apo including her two beautiful grandchildren sa mag-asawang Tonton at Glydel na sina Aneeza at Aneeka.

Although isang occasional actress si Aneeza, she’s currently studying in Singapore where she maintains her part-time job.

Whenever she has time, Liza also paints along with her close friends.

Hindi man nabigyan ng recognition ang latest movie ni Liza with Noel Trinidad, ang “Family Matters,” the veteran actress is proud of the movie at nagpapasalamat siya sa lahat ng mga taong tumangkilik ng pelikula.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBiZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE