Alden

Julie Anne, ikinulong ni Alden para mag-apologize

January 26, 2023 Vinia Vivar 265 views

JulieInabangan ng mga Kapuso ang pagbabalik-telebisyon ng King of Talk sa newest GMA offering na Fast Talk with Boy Abunda.

Sa pilot episode nito noong Lunes, naka-chikahan ni Tito Boy si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Naaliw at nasorpresa ang viewers sa revelations ni Marian lalo na tungkol sa kanilang #relationshipgoals ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Ang ikalawang episode naman ay kasama si Alden Richards na umaming muntik na niyang makarelasyon sina Winwyn Marquez at Julie Anne San Jose.

Naloka ang viewers sa revelations ni Alden tulad na lang ng pagkukulong niya sa kanila sa kwarto para mag-sorry kay Julie Anne sa pang-iiwang ginawa niya, ang pagpapatawad nito sa kanya’t ang magandang relasyon meron sila ngayon.

Talagang star-studded ang bawat hapon ng mga Kapuso kasama ang Fast Talk with Boy Abunda tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05-4:25 p.m., sa GMA-7.

Sabay din itong napapanood sa Kapuso Stream at may simulcast pa sa Super Radyo dzBB.

DALAWANG IVF, PUMALPAK!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Ai-Ai de las Alas nang mapag-usapan ang pagkakaroon ng anak sa story conference ng Litrato, ang bagong pelikulang pagbibidahan niya under 3:16 Media Network.

Natanong siya kung itutuloy pa nila ang balak ng asawang si Gerald Sibayan na magkaroon ng anak.

“’Yun kasing mga ano namin, ‘yung babies namin, ‘yung dalawa… ayan, tingnan mo, naluluha na nga ako… ’yung dalawa, hindi natuloy. Isa na lang ang natitira,” sagot ng komedyana.

Matatandaang two years ago pa niya ni-reveal ang planong pagpapa-IVF (in vitro fertilization). Mayroon na nga raw silang tatlong embryos na ita-transfer na lang sa sinumang mapipili na surrogate mother.

Hindi na idinetalye pa ng komedyana ang nangyari at nag-fail ang dalawang IVF process.

Samantala, makakasama niya sa bagong pelikula sina Ara Mina at ang aktres/screenwriter na si Quinn Carillo.

AUTHOR PROFILE