Iza

Iza, matagal naghintay na maging Darna

August 14, 2021 People's Tonight 220 views

Inihayag ni Iza Calzado na gaganap din siya bilang Darna sa nalalapit na ABS-CBN TV series na pagbibidahan ni Jane de Leon.

“Finally, I can claim to be part of the Pinoy superhero history! I almost had the chance in the past, but God had other plans. I was not meant to be that Darna but he surely prepared me to play this Darna. Everything always happens in His perfect time,” kwento ng aktres na nagdiwang ng kanyang kaarawan nu’ng August 12.

Bilang ina ni Narda (Jane), si Iza ang unang mapapanood na Darna sa inaabangang serye at siya rin ang magpapasa ng mahiwagang bato kay Narda.

Ibinahagi rin ng Kapamilya star na handa na siya mentally, physically at emotionally na magampanan ang role na matagal niya ring hinintay.

Aniya, “I’ve waited long for this. There have been changes in the cast and directors and as Direk Lauren (Dyogi) said, I am the constant.”

Kinwento rin ng award-winning actress kung gaano kahalaga para sa kanya ang “heroic” role ngayong panahon ng pandemya.

“At a time of great crisis, there has got to be a hero we can relate to — someone who brings out the best in us and a representation not only of our strong but loving and compassionate core.”

Ito rin daw ang napapanahong Darna para sa kanya.

“Ito ang Pandemic Darna para sa akin — she will tap and bring out the hero in all of us, despite the odds. Kahit walang ABS-CBN franchise,” dagdag niya.

Magsisimula na ang taping para sa Darna TV series sa susunod na buwan, matapos ihayag ang pag-alis ni Jane sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano noong Hulyo.

AUTHOR PROFILE