Sharon

Frankie, pumalag sa mga bagong crush ni Sharon

August 14, 2021 Vinia Vivar 250 views

Sina Cha Eun Woo at Park Hyung Sik naman ang mga bagong kinababaliwan ngayong Korean actors ni Sharon Cuneta. Kwento niya sa kanyang Instagram page, nag-binge watch siya ng mga drama ni CEW noong nasa Los Angeles siya at ngayon naman, si PHS ang paulit-ulit niyang pinapanood.

“OKAY OKAY I HAVE A NEW ‘CRUSH!’ In L.A. I binged on everything Cha Eun Woo. But now I am super fixated on PARK HYUNG SIK! Lahat na yata pati videos niya with his former boy band napanood ko na! But paulit-ulit kong pinapanood ang STRONG GIRL Bong SOON kasi doon ang favorite kong role niya! Pampasaya talaga! Also loved him in the movie JUROR 8! He was critically acclaimed for his performance there too!” pagbabahagi ng Megastar.

Ikinuwento rin niyang nag-react ang anak niyang si Frankie nang sabihin niya ang pagkakaroon niya ng crush kay Cha Eun Woo.

“When I told Kakie about Cha Eun Woo, sabi agad niya, ‘Mom!!! He’s only three years older than me!’ Hahahahahaha! Kala mo naman magiging stepfather niya kung rumeact! Sabi ko, ‘Why ba?!!! It’s not like I’ll boypren or marry him! I crush him lang relax!’ Hahahaha!” sey pa ni Shawie.

Si Park Hyung Sik man ay bata pa rin pero sey ni Mega, hindi raw niya pinipili ang crush niya by age.

“Ito namang si Hyung Sik, Nov.16,1991 ang birthday. Eh mag-uumpisa na ang shooting ng Maging Sino Ka Man noon in less than 2 months at kaka-break lang namin ng boyfriend ko nun! Ngek! Bakit ba basta he’s my crushie now. Read my bio he’s been there for a while now too! I don’t choose my crushes by age, do you?

“I still love Keanu and Antonio Banderas! Basta for now, Park Hyung Sik!!! Sabi nga sa Korea, ‘FIGHTING!’ Hahahaha! GV only!” saad pa ni Sharon.

Matatandaang nabaliw din si Sharon sa mga Korean actor na sina Gong Yoo at Hyun Bin.

SUBLABEL TALENTS

Thankful ang mga napiling GMA Artist Center talent sa pagiging parte nila ng bagong sublabel ng GMA Music na GMA Playlist.

Fresh at trendy tunes ang tampok sa GMA Playlist para sa new generation of listeners kaya naman swak na swak ang mga talento nina Mikee Quintos, Arra San Agustin, Anthony Rosaldo, Crystal Paras, Denise Barbacena, Faith da Silva, Jeniffer Maravilla, Kaloy Tingcungco, Kim de Leon, Lexi Gonzales, Shayne Sava, Mark Herras at Seb Pajarillo.

Sa ginanap na official launch kamakailan, aminado ang lahat na looking forward na silang umpisahan ang kanilang musical journey sa ilalim ng bagong sublabel ng GMA at magkaroon ng opportunity na makipag-collaborate sa mahuhusay na OPM artists in the future.

Bukod dito, inihayag din nila kung gaano sila ka-thankful sa GMA sa pagbibigay ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang mga talento sa bagong platform na ito.

Talaga namang kaabang-abang ang GMA Playlist kaya naman huwag palalampasin ang mga ire-release nilang awitin very soon.

Tutok lang sa kanilang official YouTube channel at iba pang social media accounts para manatiling updated.

AUTHOR PROFILE