Julie

Julie Anne, binansagang ‘Asia’s Limitless Star’

August 14, 2021 People's Tonight 432 views

Opisyal nang ipinakilala ng GMA si Julie Anne San Jose bilang “Asia’s Limitless Star” kasabay ng media conference nitong Huwebes para sa kanyang Limitless, A Musical Trilogy.

Sakto raw ito sa new project kung saan ipapamalas niya ang husay sa pagiging singer, songwriter, dancer actress, host at multi-instrumentalist sa iba’t ibang unexpected locations sa Mindanao, Visayas at Luzon.

Talaga namang swak na swak para kay Julie ang titulo na ito at well-deserved din sa dami ng napatunayan na niya sa kaniyang showbiz career.

Siguradong ipagmamalaki na naman ito ng proud and loyal fans niya.

Kasalukuyang napapanood si Julie sa All-Out Sundays at naghahanda na para sa pagbibidahan niyang musical series na Still kasama si Christian Bautista.

Samantala, available na ang tickets para sa Limitless, A Musical Trilogy sa gmanetwork.com/synergy.

Sheeran nasa ‘All-Out Sundays’

Ed-SheeranWorld-class performances ang hatid ng paboritong weekend musical comedy variety show na All-Out Sundays dahil may inihandang sorpresa ang sikat na international singer-songwriter na si Ed Sheeran ngayong Linggo, August 15.

Naunang naglabas ng teaser photo last Tuesday ang All-Out Sundays ng kanilang special guest ngayong Linggo na isa sa most in-demand pop stars on the planet and one of the world’s best-selling music artists.

Nitong Miyerkules ay ipinakilala na si Ed na nakatakdang mag-perform ng kanyang latest single na Bad Habits.

Bumuhos naman ang excitement mula sa netizens at fans ng international singer, “Last week, performance ng One Direction hits. Ngayon naman Ed Sheeran mismo. Two of my favorite music acts. Wow, Thank you, GMA!”

“Ano ba ‘yan GMA masyado n’yo naman binonggahan ang guest nyo!” ani pa ng isang netizen.

’Wag palagpasin ang All-Out Sundays ngayong 12 noon sa GMA-7.

GabLil, may bagong handog

Dahil fans can’t get enough of the kilig tandem ng Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, wish granted sila sa bagong passion project na inilunsad ng dalawa — ang Figure It Out.

Ang podcast na ito ay para sa mga kapwa nila millennial na for sure ay makaka-relate sa kanilang life experiences at adventures.

Excited si Gabbi para sa kanilang kauna-unahang episode.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi niya na, “Our 1st podcast episode called Figure it Out is finally out on Spotify!!! join us as we share our story on ‘How We Met!’”

Dagdag naman ni Khalil, matagal na nilang pinaplanong gawin ito at sa wakas ay nagkaroon na rin sila ng oras para finally ay maibahagi ito sa lahat.

Mapapakinggan ang Figure It Out sa Spotify at YouTube channel ni Gabbi.

AUTHOR PROFILE