Default Thumbnail

IT PROVIDER NG ILLEGAL E-SABONG

August 26, 2023 Marlon Purification 399 views

Marlon PurificationMARAMI talaga ang matitigas ang ulo.

Kahit bawal, kahit illegal, gagawin pa rin nila kumita lamang ng limpak-limpak na halaga ng salapi.

Nasabi ko na kamakailan ang tungkol sa Executive Order No. 9 na kautusan ng Pangulong Bongbong Marcos na hindi pinapahintulutan ang e-sabong sa Pilipinas.

Pero dahil may sindikato na pinagkakakitaan ito, patuloy nilang ginagawang ‘guerilla’ ito at nagpapalabas pa rin ng e-sabong kahit illegal.

Kahit sang probinsiya ay maryoon nito.

Madalas ginagawa ang illegal na e-sabong tuwing alas-5:00 ng hapon at pinapatapos lamang ang legal na ‘face to face sabong’ sa mga sabungan.

Naniniwala tayong kaya nangyayari ito dahil may ilang personalidad ang nasa likod nito.

Alam n’yo bang isa sa pinakamalaking ‘factor’ kaya naipalalabas ang illegal na e-sabong dahil sa ilang IT provider?

Tulad na lang itong illegal na e-sabong na nakabase sa Lian at Rosario.

Palipat-lipat ang studio nito.

Kapag mainit sa isang lugar ay lilipat naman sa ibang bayan.

Alam kong hindi nagpapabaya si Col. Rainerio de Chavez, provincial director ng Batangas Police Provincial Office, upang ipatupad ang kampanya kontra illegal gambling.

Kung uunahing tiktikan ng opisyal ang IT provider nito, ito na rin ang magiging hudyat para matuldukan ang paglipana ng illegal na sabong online sa probinsiya ni Governor Hermilando Mandanas.