Default Thumbnail

Isko Moreno maginoo at statesman

November 4, 2021 People's Tonight 433 views

Itchie CabayanSA gitna ng mga kumakalat na chismis na malamang ay umatras na lang si Manny Pacquiao at ma-disqualify si Bongbong Marcos, may mga taga-media na hiningan kaagad ng reaksyon si Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno.

Ito ay nang personal na pangunahan ni Moreno ang unang araw ng pagbabakuna ng pamahalaang-lungsod para sa mga menor de edad mula 12 hanggang 17 anyos na ginanap sa Sta. Ana Hospital sa ilalim ng pamumuno ng direktora nitong si Dr. Grace Padilla. Kasama din siyempre pa ni Moreno sa nasabing aktibidad si Asenso Manileno mayoral candidate Vice Mayor Honey Lacuna, ang running mate niya na si third district Rep. Yul Servo at si Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan.

Ang paghingi ng reaksyon kay Moreno ay bunsod ng paglipat sa kampo niya ng mga volunteer groups na dati ay sumusuporta kay Pacquiao at ang naglabasang balita na baka ma-disqualify nga si Marcos dahil sa naging kaso nito taon na ang nakalilipas.

Ipinamalas ni Moreno ang pagiging tunay na maginoo at ‘statesman’ nang hindi nito patulan ang mga chismis at sa halip ay mahinahon nitong sinabi na lahat ng tao ay may hinaharap na hamon sa buhay at natitiyak umano niya na kayang harapin ito nina Pacquiao at Marcos.

Nang tanungin ito kung sino ang kinukunsidera niya bilang pinakamatindi o pinakamahigpit niyang kalaban, ang sagot nito ay ‘lahat sila.’

Para kasi kay Moreno, lahat ng kandidato ay may pantay-pantay na karapatan at walang dapat na maliitin sa sinuman sa mga ito.

Ayaw niyang gawin sa mga kapwa niya kandidato, kahit pa kalabang maituturing ang mga ito, ang ginawa sa kanya ng kampo ng isang kandidato na nagpakalat ng panawagan na siya ay paatrasin sa pagtakbo bilang Pangulo ng bansa.

Ani Moreno, lubha siyang nasaktan sa pagmamaliit na natikman niya mula sa mga tao na ang tingin sa sarili ay sila ang may monopolya ng galing, talino at karapatan na pamunuan ang bansa.

Sa kabila niyan, nagsikap siya at mapalad na napunta sa kampo ng magbarkadang Vice Mayor Danny Lacuna (tatay ni Vice Mayor Honey) at noon ay Konsehal Bernie ‘Yantao’ Ang ng third district. Si Vice Mayor Danny ay presiding officer ng konseho nang mga panahong iyon at isang abogado, samantalang si Konsehal Ang naman ang siyang pinakamatalinong konsehal na siyang gumawa ng tax code ng lungsod noon ding panahong iyon.

Nung konsehal pa lang si Moreno, sinabi ng noon ay si Konsehal Ang (siya ngayon ay Secretary to the Mayor sa Maynila) na magiging mayor daw ito balang araw.

Abangan ang susunod na kabanata ukol sa prediksyon naman nito na magiging Presidente din si Kois pagdating ng araw. May awa ang Diyos, sabi niya.

***

Jokjok (from Johnny Cuaresma of Sta. Ana, Manila)– GRUPO NG RAPIST (pinababa mga pasahero sa bus): Lahat ng babae, pumuwesto kayo sa likod at lahat kayo ay aming rereypin!!/BABAENG PASAHERO:Mamang holdaper, utang na loob huwag nyo na sana idamay si lola. Ako na lang po!/LOLA:Mahaderang to! Pag sinabing lahat, lahat! Wag ka ngang epal!?!

***

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0919-0608558.

AUTHOR PROFILE