isko

Isko: Krimen walang lugar sa Maynila kahit may pandemya

July 15, 2021 People's Tonight 274 views

WALANG lugar ang kriminalidad sa Lungsod ng Maynila sa kabila ng patuloy na hirap dulot ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa kanyang ikatlong State of the City Address Hiwebes, ika-15 ng Hulyo 2021.

“Zero tolerance against crime ang prinsipyong nagpapatakbo sa atin,” ayon kay Moreno.

“No puwede, no fire-aim-ready kind of justice dito. I-aresto, i-habla, i-kulong. Huwag nyung ilibing agad. Sapagkat ginawa mo ang huli, sabit ka na sa batas, sabit ka pa sa mata ng Diyos. Rule of law as a matter of policy should be followed. Rules should be applicable to everyone,” dagdag pa ni Moreno.

Sa datos naman ng Manila Police District (MPD), patuloy ang pagbaba ng kaso ng kriminalidad ang nairecord sa kapitolyo ng bansa simula nang umupo sa puwesto si Moreno.

Mula June 2018 hanggang June 2019 ay 4,140 kaso ng krimen ang naitala sa Lungsod ng Maynila. Ngunit pamula July 2020 hanggang June 2021, mayroon na lamang naitalang 2,755 kaso ng krimen.

Naitala naman na humigit kumulang na 22,188 gramo o P151 milyong halaga ng shabu, 7,028 gramo o P843,420 halaga ng marijuana, at 117 piraso o P198,900 halaga ng ecstasy ang nasabat ng mga pulis mula July 2020 hanggang June 2021.

“Alisin ang droga sa kalsada. Pahirapan, pahirapan, pahirapan sila o kaya puksain puksain puksain ang mga drug lord, drug pusher,” ayon pa kay Morenk.

A total of 1,847 na Most Wanted Person naman ang inaresto ng mga pulisya ng MPD.

Kaalingsabay nito, umabot rin sa 2,880 ang inaresto ng MPD dahil sa iba’t ibang kaso at 280 indibidual ang nahulihan na may loose firearms.

“Arestohin, ihabla, ikulong. Rule of law must be observed at all time,” diin ng Punong Lungsod. Ni FRANCIS NAGUIT

AUTHOR PROFILE