Default Thumbnail

Investment promotion pinalakas ni Mayor Honey

September 8, 2022 Edd Reyes 259 views

Para sa mga negosyante, mamumuhunan sa lungsod

MAYNILA – Naglabas ng kautusan si Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan na lumilikha ng tanggapan ng “Local Economic Development and Investment Promotion” (LEDIP) na isa sa nagiging tagapagpahiwatig para pagkalooban ang lokal na pamahalaan ng “Seal of Good Governance” sa ilalim ng “Business Friendliness and Competitiveness Essential Area”.

Sa ilalim ng nilagdaan niyang Executive Order (EO) No. 33 Series of 2020, itinalaga ni Mayor Honey si Levi Facundo bilang LEDIP Officer, bukod sa kasalukuyang niyang posisyon bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Manila Bureau of Permits.

Sa kanyang direktiba, inihayag ng alkalde ang pangangailangan ng LEDIP, upang makahimok ng mas marami pang mamumuhunan at lumakas ang kumpitensiya ng pagnenegosyo sa lungsod upang mapanatili ang patuloy na pagunlad ng ekonomiya.

Kabilang sa mga tungkuling gagampanan ng LEDIP ang agarang paghahanda, koordinasyon at pagpagpapatupad ng lokal na ekonomiya at pagtataguyod ng mga panuntunan sa pamumuhunan, proyekto at aktibidad ng Lungsod ng Maynila.

Pagsusulong sa pagtatayo ng agresibo, sistematiko, magkakatugmang pananatili ng promosyon at pangangalakal sa lungsod bilang lugar ng pamumuhunan at marami pang iba na pawang may kaugnayan sa pag-angat ng ekonomiya at kabuhayan sa Lungsod ng Maynila.

Nilagdaan ni Mayor Honey ang naturang kautusan nito lamang Setyember 1, 2022 na pinatunayan ni Atty. Marlon Lacson na siyang tumatayong Secretary to the Mayor.

AUTHOR PROFILE