Inigo kasama sa Fox TV series sa Hollywood
FILIPINO heartthrob Piolo Pascual must be beaming with pride dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapasok sa isang Hollywood project ang kanyang binata at kaisa-isang anak, ang singer-composer-actor na si Inigo Pascual (24).
Si Inigo ay kasama sa cast ng Fox’s upcoming TV series, “Monarch,” a multi-generational musical drama ng America’s first family of country music which will be premiered on September 11, 2022, three days bago ang 25th birthday ng singer-actor on September 14. Ito ang magsisilbing biggest and most memorable birthday gift sa unico hijo ni Piolo.
Ang “Monarch” ay pinangungunahan ng Academy award-winning American actress na si Susan Sarandon (75) who plays Dottie Cantell Roman, Eva Amurri (the young Dottie), Anna Friel (Nicky Roman), Trace Adkins (Albie Roman), Beth Ditto (Gigi Taylor-Roman), Maratha Higareda (Catt Phoenix), Meagan Holden (Kayla Taylor-Roman), Callum Kerr (Wade Stellings), Emma Milani (Ana Phoenix) and Inigo playing the role of Ace Grayson, a third generation Roman, an adopted son of Nicky Roman (Anna Friel) who aspires to become a successful singer tulad ng kanyang grandmother.
Ang kanyang first Hollywood project ang dahilan kung bakit matagal-tagal na ring hindi visible si Inigo sa local music and entertainment scene where he first made a mark in 2016 nang sumikat nang husto ang kanyang song na “Dahil Sa `Yo,” ang kauna-unahang Filipino song na pumasok sa Billboard Philippines’ Top 10 chart. Ang nasabing awitin ay nanalong “Song of the Year” sa 30th Awit Awards, ang kasagutan ng Pilipinas sa Grammy Awards ng Amerika.
Ang first movie ni Inigo ay ang”Relaks, It’s Just Pag-ibig” na magkatulong na pinamahalaan nina Direk Antoinette Jadaone at Irene Villamor in 2014. Huli naman siyang napanood sa isang iWant TFC series na “Boyette: Not A Girl Yet”.
Liza busy na bilang Hollywood star
BUKOD kay Inigo Pascual, ang isa pang singer-actress who’s trying her luck in Hollywood ay ang Fil-Am singer-actress na si Liza Soberano (24) who’s currently filming her Hollywood film debut, ang “Lisa Frankenstein,” isang zombie-horror movie kung saan niya kasama ang American young actress na si Kathryn Newton (25) who posted on Instagram their picture together while on the set of their movie.
It was only last May 2022 nang mapabalita na wala na si Liza sa pangangalaga ng kanyang long-time manager, ang actor-comedian, talent manager at YouTuber na si Ogie Diaz dahil siya’y lumipat sa pangangalaga ng singer, actor, record producer and entrepreneur, ang Fil-Australian na si James Reid.
Magmula nang lumipat si Liza sa pangangalaga ng ex-boyfriend ni Nadine Lustre ay naging visible na ang dalawa sa iba’t ibang international scenes including South Korea at Hollywood.
She will also be recording under James’ Careless Music.
Samantala, sa kabila na madalas na makitang magkasama sina Liza at James, the former swears na going strong pa rin umano ang kanilang relasyon ng kanyang actor- boyfriend na si Enrique Gil who will return doing projects sans his girlfriend and loveteam mate.
Mga nagwagi sa TikTok Awards Philippines
SINA Vice Vice at Joshua Garcia ang nanguna bilang top winners ng TikTok Awards Philippines na ginanap last Saturday, August 20, 7 p.m. sa New Frontier Theater in Cubao, Quezon City.
Sina Vice at Joshua ang tinanghal na “Celebrity of the Year” habang ang mga grupong SB19, BGYO, BINI at MNL48 ang tinanghal na “P-Pop Group of the Year”.
Ang iba pang mga awards ay ang “Live Streamer of the Year” na napunta kina Yanyan de Jesus at Mona Gonzales, “Rising Live Star of the Year” ay sina Junell Dominic at Celine Nobleza, “Creator of the Year” ay si Esnyr Ranollo.
Nagbigay din ang TikTok Awards Philippines ng Special Awards sa NETFLIX bilang Top Entertainment Award, “Kapuso Mo, Jessica Soho” bilang Top Media Publisher, Top Beauty and Fashion Creator kay Paul Pelaez, Top Foodie Creator kay Chef Hazel, Top Education Creator kay Raymore Cuevas, Top Gaming Creator kay Myrtle Gail, Top Esports Personality kay dubstepvlr, Top Sports Creator kay Daniel Bermas at Top Fitness Creator kay brenthlete.
Michelle Madrigal may bagong boyfriend
IT was in August 2021 when US-based actress and YouTuber Michelle Madrigal shared in her Instagram account that she’s no longer together with her American (ex) husband na si Troy Woolfolk, the father of their four-year-old daughter na si Anika Austin.
Si Michelle ang nakababatang kapatid ng (retired from showbiz) actress na si Ehra Madrigal ay mga anak ng dating sexy actress of the `80s na si Karla Kalua (Katherine Madrigal). Meron pa silang younger sister na si Micaella.
Michelle started her showbiz career in 2004 nang siya’y sumali sa talent competition na Star Circle Quest ng ABS-CBN. Three years later in 2007 ay nasa pangangalaga na siya ng dating actress-turned concert producer and talent manager na si Annabelle Rama.
It was in 2016 nang makilala ni Michelle ang kanyang naging husband na si Troy in Texas, USA nang maging apprentice siya dahil sa kanyang culinary course. They started dating hanggang mag-propose sa kanya si Troy the following year kasunod ng pagsilang ng kanilang first baby na si Anika in October 2017. The couple got married on April 14, 2019 but two years later ay nag-desisyon ang dating mag-asawa na magkahiwalay. They separated amicably at nanatiling magkaibigan and co-parenting their daughter.
Michelle is back to dating at sa kanyang recent post ay ibinahagi niya ang isang handsome American guy na hindi niya pinangalanan as her beau. Tulad niya, isa rin itong divorcee at may mga anak sa kanyang previous marriage.
Sa ngayon ay ini-enjoy muna ng aktres ang kanyang freedom being single again. She is currently based in Austin, Texas, USA.
Michelle Dee binalikan ang hilig sa kabayo
BINALIKAN ng 27-year-old model, 2019 Miss World Philippines, athlete, equestrienne and Kapuso actress na si Michelle Dee ang kanyang passion bilang equestrienne.
Si Michelle ay anak ng businessman and former actor na si Derek Dee sa 1979 Miss International, former Super Model at actress na si Melanie Marquez.
In her growing up years, lumaki siyang mahilig sa mga farm animals at isa na rito ang mga kabayo laluna sa kanyang rancho sa Utah, USA at sa kanilang hacienda in Mabalacat, Pampanga.
Si Michelle ay huling napanood sa TV series ng GMA, ang “I Left My Heart in Sorsogon” nung nakaraang taon.
In 2021, she won Best New Movie Actress ng Star Awards for Movies.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.