Ruru

Ruru, ’di napiga ni Jessica

August 22, 2022 Jun Nardo 273 views

WALANG napigang pag-amin kay Ruru Madrid si Jessica Soho. May special interview si Ruru kay Jessica sa Kapuso Mo Jessica Soho last Sunday.

Bago ang tanong kay Bianca Umali, isinalang muna si Ruru sa pagpapakain sa tunay na buwaya. Eh ‘yung buwaya na napapanood sa Lolong ni Ruru, mechanical, gawa at operated ng tao, huh!

Si Jessica ang may story idea ng Lolong. Matapos nga ang objective about the series, hindi nakaligtas si Ruru sa tanong tungkol kay Bianca.

Pero ang sagot ni Ruru? Dating sila ni Bianca for four years, huh!

Walang, “Yes, may relasyon kami ni Bianca!” o “Yes, girlfriend ko si Bianca!”

Hindi talk show ang KMJS kaya wala nang follow-up question si Jessica kahit natanong din sa aktor ang pagbisita sa kanya ni Bianca sa South Korea sa taping ng Running Man PH, huh!

ARTISTAHING KAMAG-ANAK NI RUFFA, MAS PINILI MAG-PULITIKA

MALAYONG kamag-anak ng Gutierrez clan sa showbiz ang first nominee ng I Rider Party List na si Ramon Rodrigo (Rodge) Gutierrez.

Pero ang pagtulong sa mga rider ang isa sa layunin kaya napasok sa pulitika.

Isa nga sa bills na ipinasa niya ay ang formation ng Traffic Center sa bansa.

May nais din siyang itama sa pagpalakad ng kontrobersiyal na NCAP (No Contact Apprehension) policy ng ilang local government unit.

Pasado ring pumasok sa showbiz ang kongresista pero mas piniling tulungan ang mga rider na uso nung kasagsagan ng pandemic at lahat ng nagda-drive para sa tamang regulasyon sa traffic.

Isa ring lawyer si Congresman Gutierrez.

AUTHOR PROFILE