Dombea

Ina, kinikilig sa Dominic posts ni Bea

August 17, 2021 Vinia Vivar 85 views

Botong-boto ang ina ni Bea Alonzo na si Mary Anne Ranollo kay Dominic Roque. In fact, kinikilig pa nga raw ito sa mga post ng anak na kasama ang actor boyfriend noong time na nagbabakasyon ang lovebirds sa U.S.

“I talk to my mom almost every day sa Facetime. I’m happy kasi nga ‘yong nanay ko never ‘yan nakialam sa relationships ko,” kwento ni Bea sa panayam ng GMA-7.

“With this one, ang cute kasi para kaming bestfriends na kinikilig siya, na tumatawag talaga siya sa akin, ‘Oh my God, nag-post ka na pala sa internet!’

“Mahilig kasi si Mama magbasa ng comments so siya ‘yong nag-a-update sa akin kung ano ‘yong mga sinabi ng mga tao.

“Ganu’n kasi si mama, chismosang kapitbahay ‘yan si Mama, so siya ‘yong nag-a-update sa akin, ‘Uy, sabi ni ganito, ganito raw, ganun daw.’”

Thankful din si Bea sa kanyang ina na mula noon hanggang ngayon ay laging nandiyan para gabayan siya sa kanyang mga desisyon sa career at sa personal na buhay.

“She’s happy. Alam mo si Mama kahit anong desisyon ko sa buhay as long as I’m happy and that person is good for me, wala kang maririnig kay Mama.

“At the end of the day, she only wants what’s best for me,” ani Bea.

AUTHOR PROFILE