Kylie

Miss International, suportado ang ‘The Housemaid’ ni Kylie

August 17, 2021 Vinia Vivar 168 views

Suportado ng Miss International organization ang launching movie ni Kylie Versoza na The Housemaid kahit pa nga may mga sexy scene ang aktres.

“Sobrang supportive sila sa lahat ng ginagawa ko,” sabi ni Kylie sa virtual mediacon ng The Housemaid.

“Kahit photo shoot pa lang ‘yun. Mas lalo na sa pelikulang ito. Actually, nagku-comment nga sila du’n sa trailer na kaka-post ko lang, and they even messaged personally na ‘congratulations.’ Parang they’re looking forward to watch it.”

Ayon pa sa Miss International 2016, hindi naman siya nagpapa-sexy kung hindi kailangan sa story.

“Willing ako if the project is right and if the material is right. Hindi lang talaga po ako gagawa ng sexy para lang, alam mo ‘yun, para lang sexy film or hindi po ako gagawa ng isang bold film. Gagawa po ako kapag gusto ko po ‘yung material, kung gusto ko ‘yung character, kung gusto ko ‘yung director,” aniya.

Sobrang grateful daw siya sa Viva Films na sa kanya ibinigay ang proyektong ito dahil pangarap daw niyang makagawa ng mga ganitong klase ng pelikula.

“Sobrang nagpapasalamat po talaga ako sa Viva na napunta sa akin itong project na ‘to kasi it’s really been a dream of mine to make a movie like this. Type ko talaga ‘tong mga movie na ganito, ‘yung psychological thriller. Parang ito talaga ‘yung genre na gusto ko, ‘yung mga gusto ko rin na panoorin,” pahayag pa ni Kylie.

Sa The Housemaid ay may love scenes sila ng leading man na si Albert Martinez at sobrang honored ni Kylie na makatrabaho ang magaling na aktor.

Ginagampanan ni Kylie sa movie ang role na housemaid na inakit ang amo played by Albert. Kasama rin sa pelikula sina Jaclyn Jose at Louise delos Reyes mula sa direksyon ni Roman Perez.

Magsisimula nang mapanood ang The Housemaid sa Sept. 10 exclusively sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE