IG post ni Ruffa, umani ng positibong comments, Bistek at Binoe, dedma sa pasaring ni Kris, Anak ng mayor, pumalag kay Kris!

March 26, 2022 Jun Nardo 130 views

PASABOG din ang caption sa Instagram ni Ruffa Gutierrez sa video na inilabas niya habang naglalakad sa beach.

Walang binanggit na pangalan si Ruffa, ’di gaya ni Kris Aquino sa kanyang speech nu’ng pumunta sa campaign rally ni VP Leni Robredo sa Tarlac City.

Talk of the town ang pag-akyat ni Kris sa stage kahit may sakit.

Hiling niya sa mga tao, huwag iboto ang dalawa niyang ex-boyfriend na nasa Uniteam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte. Rason niya, hindi sila marunong tumupad sa pangako.

Siyempre, sina Robin Padilla at Herbert “Bistek” Bautista ang pumasok sa isipan ng mga nakakaalam sa lovelife ni Kris.

Wala namang reaksyon ang dalawa sa pasaring niya.

Pero sa caption ni Ruffa sa IG, sinabi niya na, “Good morning beautiful people! Be kind to everyone including your ex.”

Teka, ang alam namin, naging ex din ni Ruffa si Robin at si Herbert? Well, close sila ngayon at hindi pa ex! Hahaha!

Mas maraming positibong comments sa caption ni Ruffa.

Ani Rufing, hindi kailangang maging friend ang ex dahil puwedeng mag-co-exist.

Pero sa pahayag ni Kris, mas umalma ang anak ng mayor sa isang bayan sa Tarlac dahil sa tinuran niyang “walang utang na loob.”

AradaveMISTER NI ARA, NAGPUGAY SA MGA KABABAIHAN

NAGBIGAY-PUGAY sa mga kababaihan ang asawa ni Ara Mina na si Dave Almarinez ngayong Women’s Month.

Sa isang pagtitipon sa San Pedro, Laguna, binigyan ng San Pedro Boy ng mga bulaklak ang mga kababaihan doon.

Kumanta pa at nakipagkulitan sa laro si Dave.

Isinabay na rin ang pagtatatag ni Dave ng proyekto para sa kabuhayan at sa proteksyon ng mga BEBE sa San Pedro City.

Very proud si Ara kay Dave dahil alam niyang marespeto at magalang sa mga babae ang asawa.

“Kaya nga nahulog ang loob ko sa kanya na kahit sinabi ko na hindi ko siya crush nang una ko siyang nakilala,” pahayag ni Ara.

AUTHOR PROFILE