ashmatt

Brickman, inalok ng collab sina Sarah at Matteo

March 26, 2022 Vinia Vivar 160 views

Ang bongga naman nun’g pag-offer ng American singer-songwriter na si Jim Brickman ng collaboration sa mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Ipinahayag ng sikat na singer-songwriter-pianist ang kanyang imbitasyon sa Twitter last March 23.

Tweet ni Brickman, “@mateoguidicelli Collab?” at sinundan ng “and @JustSarahG of course.”

Inire-tweet din niya ang video ng duet nina Sarah at Matteo na kumakanta ng Destiny, isa sa mga awiting pinasikat niya at tila dito nga siya nagkaroon ng ideya na makipag-collab sa mag-asawa.

Dahil nga naka-tag silang dalawa ay nabasa agad ito ni Matteo at agad din niyang sinagot.

“It would be great! An honor!” reply ni Matteo.

Muling sumagot si Brickman at aniya, “DM me and let’s get something set up!”

May nag-comment na isang fan ng, “I hope you also consider a solo song for Sarah G.”

Sagot naman ng singer, “Yes! Gorgeous voice.”

Sobrang na-excite naman ang mga AshMatt at Popster at lahat sila’y nag-request na i-push ang plano.

“Make this happen please,” pakiusap nila.

Well, abangan ang mga susunod na pangyayari.

’DI TAKOT MAWALAN NG FOLLOWERS

Walang pakialam si Pokwang kung mawalan man siya ng followers dahil sa pagsuporta niya kay Vice President Leni Robredo.

Kahapon sa Twitter ay ipinahayag niyang hindi siya takot mawalan ng followers.

“Goodmorning…. gusto ko lang malaman nyong mga nag babanta mag unfollow sakin hahaha Go ahead di po ako takot mawalan ng followers! takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para saking mga anak at magiging apo,” tweet ni Pokie.

Isa rin kasi ang komedyana sa mga celebrity na ayaw tantanan ng bashers.

AUTHOR PROFILE