Ibay Nagsagawa ng walk through ang mga pulis ng MPD sa pamumuno ni Police Brig. General Arnold Thomas Ibay sa paligid ng Quiapo Church bilang paghahanda sa Semana Santa. Kuha ni Jon Jon Reyes

Ibay nanguna sa walk through sa Quiapo church

March 22, 2024 Jonjon Reyes 172 views

Ibay1NAGSAGAWA ng walk through ang mga pulis ng Manila Police District (MPD) sa paligid ng Quiapo church bilang paghahanda sa Semana Santa.

Ayon kay MPD Public Information Office Chief Major Philipp Ines, humigit-kumulang 100 na opisyal at staff ng Manila Police District sa pamumuno ni Police Brig. General Arnold Thomas Ibay ang sumama sa walk through noong Huwebes.

Pagpatak ng alas-12:01 ng madaling araw sa Biyernes Santo ilalabas na ang imahe ng Black Nazarene at iikot mula Plaza Miranda papuntang Palanca, Carriedo, Recto, Mendiola, San Sebastian pabalik ng Quiapo Church.

Pinangunanan din ni P/Col. Rodrigo Roy, mga station commanders at segment team leaders ang walk through.

AUTHOR PROFILE