Default Thumbnail

Magagaya ka kay Camilon, banta ng col sa jowa

March 22, 2024 Melnie Ragasa-limena 120 views

ISANG police colonel na nasangkot sa sex scandal ang umano’y nagbanta sa isang ginang na maaari siyang mawala gaya ng nangyari sa beauty queen na si Catherine Camilon sa Batangas.

Ginawa ng biktima ang pagsisiwalat laban sa ranking police official ng Philippine National Police (PNP) matapos na maghain ito ng kaso sa Office of the Ombudsman noong Huwebes.

Inamin ng ginang na ilang taon rin siyang nakipagrelasyon sa police colonel pero nang nagpasya siyang putulin na ang kanilang relasyon, ipinadala nito ang kanilang sex video sa kaniyag pamilya.

“He uses the official position to threaten the lives and safety of the complainant and her family by bragging that he can make enforced disappearances,” nakasaad sa reklamo ng ginang kay Ombudsman Samuel Martires.

Nagsampa ang ginang ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa police colonel matapos na ipadala ang isa sa kanilang mga sex video sa kanyang mister at 17-anyos na anak na babae.