Default Thumbnail

Nawawalang bata nakita na

March 22, 2024 Melnie Ragasa-limena 162 views

NAKITA na sa Quezon City ang 5-anyos na batang babae na naiulat na nawawala sa Balibago, Pampanga.

Matapos ang apat na araw naibalik na sa kanyang magulang si Mimi, ayon sa report.

Sa report na tinanggap ni Quezon City Police District-Novaliches Police Station 4 chief Lt. Col. Reynaldo Vitto, alas-12:30 ng tanghali noong Huwebes nang mamataan ang biktima kasama ang isang lalaki na nakilalang si Argie, Santianes, 35, na naglalakad sa Qurino Highway, Brgy. San Bartolome,Novaliches Quezon City.

Agad na dinala ang dalawa sa nasabing himpilan ng pulisya.

Ayon naman sa ina ng bata, nagpakilala umano si Santianes na ama ng biktima kaya sumama ang huli.

Nabatid na ginagamit ng suspek sa panlilimos ang biktima.

Nakatakdang i-iurn over sa Balibago Police Station ang nasabing kaso.

Desidido naman ang ina ng bata na sampahan ng kaso si Santianes.