Fire Inaapula ng mga bumbero ang nasusunog na kabahayan sa Happyland sa Aroma St., Tondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

1,800 tao homeless sa Tondo fire

March 22, 2024 Jonjon Reyes 176 views

UMABOT sa 200 kabahayan na tinitirhan ng 600 na pamilya na binubuo ng mahigit 1,800 katao ang naabo sa sunog sa Happyland sa Aroma St., Temporary Building, Brgy. 105, Tondo, Maynila noong Huwebes.

Umakyat sa ikalimang alarma ang matapos sunog na nagsimula dakong alas-11:19 ng gabi

Ayon sa ulat ng Manila Fire ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay at nadamay ang ilan pang mangungupahan sa gusali.

Lumaki ang apoy ng madamay ang iba pang kalapit na kabahayan na gawa sa light materials.

Ayon sa BFP, mahigit kumulang sa P6.5 million ang pinsala ng sunog at nasa 1,800 katao ang nawalan ng tirahan.

AUTHOR PROFILE