Ynares

Huwag pababayaan ang mga kabataan

September 24, 2022 People's Tonight 269 views

Ito ang habilin ng maybahay ni Mayor Casimiro “Jun” Ynares, III at dating Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, sa mga magulang at mga guro sa ginawang pagbubukas ng bagong Multi-Purpose Building at Child Development Center sa Good Shepherd Ville HOA, Dalig III, Brgy. Dalig kamakailan.

Naniniwala si Mayora Andeng sa kasabihan ng pambasang bayani na si Gat Jose Rizal na siyang pinagkukunan ng lakas ng lalawigan ng Rizal, kung saan sinabi nito na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” kaya nararapat na pagyabungin ang mga susunod na henerasyon at suportahan sila.

Umaasa si Mayora Andeng na ang mga magulang at residente ng Brgy. Dalig, ay magtutulungan para sa balik-eskwela ng mga tsikiting. Tiniyak din ni Mayora Andeng na ang day care center ay isang ligtas na “place of learning” at “kid-friendly.” Ibig sabihin, habang nag-eenjoy at natututo sila, tiyak din ang kaligtasan at seguridad ng mga bata.

AUTHOR PROFILE