Mario

Huling lamay kay Mario, ‘box-office hit’

January 19, 2024 Aster Amoyo 198 views

Mario1Mario2Mario3Mario4Mario5Mario6Mario7Mario8BOX-office hit ang huling lamay ng kilala at respetadong seasoned entertainment columnist ng People’s Journal, veteran journalist and film critic na si Mario Escobar Bautista last Thursday, January 18 na umabot sa kanyang 78th birthday, January 19 na siya ring araw ng paghahatid sa kanya sa kanyang huling hantungan.

Bukod sa kumpleto ang kanyang pamilya – mga kapatid, mga anak at mga apo, maraming nagmamahal kay Mario ang dumating tulad nina Phillip Salvador, Bibeth Orteza, Ricky Davao (na kinumpleto ang halos isang linggong lamay), former TV executives na sina Malou Choa-Fagar, Redgie Magno, Directors Chito Rono, Joel Lamangan, Nuel Naval, Arman Reyes, writer-director and actress-comedienne na si Bibeth Orteza, P.E.P. head and seasoned journalist Joann Maglipon, close friend and former entertainment editor Ces Evangelista, colleagues sa panulat tulad na sina Allan Diones (na present din sa lahat ng gabi ng wake) na punong abala sa preparasyon ng huling lamay, Gie Grillana of Malaya, our People’s Journal entertainment editor na si Eugene Asis, host and film reviewer Butch Francisco, PR specialists Peachy Guioguio, Chuck Gomez and Jhops Cruz, talent manager Manny Valera, Carol Santos (mother of Jeffrey and Judy Ann Santos), Gorgy Rula at marami pang iba.

Napakaganda rin ng send-off kay Mario dahil pawang mga top performers ang dumating at nag-alay ng special song numbers for him tulad ng Concert King na si Martin Nieva, ang Concert Queen na si Pops Fernandez, si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano, ang actor-director at isa sa mga kasamahan ng yumao sa kanilang “Wednesday Group” na si Ricky Davao, ang tinaguriang Timeless Diva na si Dulce, ang singer-songwriter at dating child star na si ice Seguerra at iba pa.

Nagmistulang mini-concert ang huling lamay ng namayapa at nag-share naman ang pamilya at ibang malalapit na kaibigan ni Mario tulad nina Direk Joel Lamangan, Roselle Monteverde of Regal Entainment, Butch Franciso, Eugene Asis, Malou Choa-Fagar and Ricky Davao on how well they know him nung ito’y nabubuhay pa.

Good friend singer-host Ali Sotto hosted the program.

Siguradong masaya si Mario sa kanyang kinaroonan ngayon dahil napagsama-sama niya sa isang okasyon hindi lamang ang kanyang mga mahal sa buhay, his siblings mula sa Amerika at Australia, his two childen na sinna MM at Hannah, his grand children at iba pang mga kaanak kundi maging ng mga taong nagmamahal sa kanya sa industriya na kinabilangan at pinaglingkuran niya ng ilang dekada bilang isang mahusay na entertainment writer at film reviewer.

“Walking encyclopedia” ang taguri kay Mario ng mga taga industriya ng pelikula at telebisyon. Meron siyang photographic memory laluna ng mga pelikulang kanyang pinanood (both foreign and local) regardless kung gaano na ito katagal mula sa mga titles ng movies, lead stars, directors at taon kung kelan ito pinalabas at siya lamang ang alam namin na merong ganung kakaibang talent.

He was actual a genius. Napaka-prolific niyang magsulat sa kanyang column at film reviews and most of the young entertainment writers and film reviewers look up to him.

Mario was known as a straightforward person but caring and supportive to people na malapit sa kanya.

Maraming neophyte directors and actors ang sa simula ay takot sa kanya pero napapalitan ito ng paghanga at respeto kapag kilala na siya ng mga ito. He was also a natural comedian kahit seryoso ang dating nito sa marami. Madalas niyang `pinaglalaruan’ at binibiro ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa panulat. Paborito siyang sabihin ang mga katagang “In fairness, may chemistry kayo” at “kailangan ka ng industriya” sa kanyang colleagues.

Sa mga entertainment media conferences, madalas ay si Mario ang naaatasan para unang magtanong and presscons will never be the same without him. He left an indelible mark sa puso’t isipan ng mga tao sa industriya that he had touched.

Mario will be best remembered by the industry people not only because he was a prolific writer and film critic kundi dahil sa kanyang pagiging warm and friendly (although may pagka-suplado ang dating) sa lahat.

Ibinibigay namin kay Mario ang pagmamahal at respeto bilang isang malapit na kaibigan, kasamahan at `kapitbahay’ namin dito sa People’s Journal ng ilang dekada.

AUTHOR PROFILE