Karla1

KARLA GUSTONG TULUNGAN SI DANIEL — DIREK DARRYL

January 19, 2024 Vinia Vivar 69 views

Ipinost din ng direktor na si Darryl Yap sa kanyang Facebook page ang palitan nila ng mensahe ni Ruffa kung saan ay isinend niya ang screenshot ng article na nagsasabing buntis ito.

Sagot ni Ruffa, “Welllll I still have my period every month hahaha pero I don’t think I’m pregnant. Kaloka naman ‘yan!!”

Nagsalita ang direktor na si Darryl tungkol sa tsikang ibinebenta ng kaibigan niyang si Karla Estrada ang bahay nito.

Ayon sa direktor, hindi niya alam ang tungkol sa pagbebenta ng bahay pero inamin niyang nakabili si Karla ng bahay sa bandang South.

“I don’t know about Karla Estrada selling the house, but I was with her months ago when she bought a new property sa South; sinamahan nya lang ako magtingin, pero siya ang nakabili,” simula ni Darryl sa kanyang post.

Ayon pa kay Direk, tinawagan niya ang kaibigan at sa tema ng usapan nila, gusto tulungan ni Karla na makapag-move-on ang anak na si Daniel Padilla who, as we all know, ay kagagaling lang sa breakup with Kathryn Bernardo.

“Kaya tinawagan ko… Marami kaming napag-usapan, pero isa lang ang tono nya, kahit ‘di nya sabihin nang direkta; Gusto nyang tulungan si Daniel — makahinga at makapagmove-on,” sey ni direk.

“Tatanungin ko sana yung issue about utang kaso tinamad na ko — kasi nagyayaya na naman sa ibang bansa.

“Sa totoo lang, hindi na kami madalas mag-usap ni Mumsh, kasi super close nya kila Martin Romualdez, eh, ‘di ba?

“Kaya I’m sure kung maghihirap man si Mumsh (feeling ko imposible) hindi ‘yan magbebenta ng property… tataya lang ‘yan sa lotto as a lone bettor. Charot lang! ahahaha,” sabi pa ni direk.

Anyway, for sale nga ngayon ang bahay na naipundar ni Daniel sa Quezon City para sa kanyang pamilya sa halagang P50 million.

Sa tsika naman ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ay sinabi niya na gusto nang manirahan ni Karla sa bandang South na tumutugma naman sa sinabi ni Direk na bumili ng bahay ang ina ni Daniel sa parteng iyon ng metro.

AUTHOR PROFILE