Ruffa

Ruffa umalma sa tsismis na binuntis siya ni Herbert

January 19, 2024 Vinia Vivar 103 views

Umalma si Ruffa Gutierrez sa isyung buntis siya at ang tatay umano ay si Herbert Bautista.

Sa Instagram Story ni Ruffa ay ipinost niya ang screenshot ng article na lumabas about her na may titulong: “Ruffa Gutierrez, binuntis ni Herbert Bautista?”

Caption ng aktres, “So here it is: FAKE NEWS!”

Sa isang post naman ay ibinahagi niya ang screenshot ng isang balita na may titulong “Ruffa Gutierrez, Umaming Buntis! Herbert Bautista Magiging Tatay na!”

Sa caption, sinabi ng aktres na kinu-congratulate siya ng mga tao kahit saan siya magpunta.

“I wasn’t going to dignify this with an answer but everywhere I go, people are congratulating me,” aniya.

Isa pang itinanggi ni Ruffa ay ang lumabas na statement ng ina niyang si Annabelle Rama.

Ipinost ng aktres ang screenshot ng quotation ng ina na nagsasaad ng, “Masamang biyenan daw ako. Oo ‘day! Masamang biyenan ako! Sino ‘di mag-iinit ang ulo kung puro waldas ng pera at shopping ang alam. Ni hindi nga yan humahawak ng walis tambo at naghuhugas ng plato. Akala mo anak mayaman, eh, umaasa lang naman sa tatay na foreigner. Hay nako ‘day! Gigil moko ‘day ha!”

Ruffa denied na sinabi ito ng kanyang ina.

“Again, FAKE NEWS!!” caption ng aktres.

AUTHOR PROFILE