Maine

MAINE AT DABARKADS, FANGIRL MODE SA RIVERMAYA

January 19, 2024 Jun Nardo 115 views

FANGIRL mode si Maine Mendoza at ang iba pang Dabarkads nang mag-guest ang bandang Rivermaya sa Eat Bulaga.

Muling nakita at narinig ng manonood ang pagkanta ng lead singer na si Bamboo Mañalac habang ka-jamming ang gitaristang si Rico Blanco at iba pang OG members ng banda.

Magkakaroon ng reunion concert ang Rivermaya soon sa MOA grounds.

Samantala, kahapon at ngayon ang muling pagbabalik sa bansa ng foreign band na Coldplay kaya naman si Maine, todo promote ng concert nito sa Philippine Arena lalo na’t favorite band niya ang Coldplay.

AUTHOR PROFILE