Jinggoy

Sen. Jinggoy, feeling victorious

January 19, 2024 Jun Nardo 112 views

VICTORIOUS ang feeling ni Senator Jinggoy Estrada nang magdesisyon ang Sandiganbayan na absuwelto ang senador sa isinampang kaso na plunder laban sa kanya.

Sa interview kay Sen. Jinggoy, sinabi niya na patunay ito na wala siyang perang ninakaw.

‘Yun nga lang, hinatulan siyang guilty sa kasong Direct at Indirect Bribery kaugnay ng kanyang Priority Development Fund (PDAF).

Sa pahayag naman ng kanyang lawyer, babasahin pa nila ang mahigit apat na raang pahinang desisyon dahil nagtataka sila sa paghatol kay Sen. Jinggoy ng kasong ito gayong hindi naman nakalagay sa Information ang bribery cases niya.

Nakatakdang iapela ang mga kasong ito at mananatiling laya pa si Sen. Jinggoy dahil hindi pa executory ang desisyon.

AUTHOR PROFILE