Andrea Larawan: Andrea Brillantes/IG

Andrea hindi nakakasawa

January 18, 2024 People's Tonight 131 views

DI nakakasawa tingnan, ang ganda pa rin,” ‘yan na lamang ang naging komento ng netizens matapos ibinahagi ng aktres at business owner na si Andrea Brillantes ang kanyang beach getaway sa Batangas.

Enjoy na enjoy ang aktres sa kanyang trip kasama ang pamilya at kaibigan sa isa sa mga dinadayuhang resort sa Batangas, na tinatawag na Tali Beach Resort.

Simpleng caption lang ang inilagay ni Andrea pero daang-daang likes ang post nito sa IG. Bukod sa lumiliwanag na ganda ng aktres, napansin din ng netizens ang sexy na katawan nito.

Makikitang suot ng “Crazy Beautiful You” star ang isang floral pattern satin dress na hapit sa kanyang katawan at humulma sa kanyang malaking melon. Gandang-ganda rin ang netizens sa naging backdrop nito sa inupload niyang larawan.

“Too gorgeous, Filipinos should stop bashing this young pretty girl,” komento pa ng isang foreigner na taga-hanga ni Andrea.

AUTHOR PROFILE