Echo

Hiwalayan nina Jericho at Kim gagamitin sa promotion ng pelikula?

January 30, 2024 Eugene E. Asis 136 views

KimMARAMI ang nagtataka kung bakit itinago pa nina Jericho Rosales at asawang si Kim Jones ang kanilang paghihiwalay gayong matagal na pala ito.

2019 pa sila naghiwalay, ayon sa source.

Noong 2022 pa nagsimulang kumalat ang tungkol dito, pero laging umiiwas ang aktor sa mga sagot kapag siya’y naiinterbyu.

Kahapon, January 29, nakumpirma ang kanilang paghihiwalay.

Dumalo pa ang dalawa sa Star Magic Ball noong 2022 na magkahawak-kamay pa at tila walang problema sa pagsasama.

Ayon sa source na close friend ng dalawa, kahit naghiwalay ang dalawa, maayos ang kanilang relasyon. In fact, nakagawa pa sila ng pelikula kung saan ang direktor at writer ay si Kim.

Akala ng iba ay maayos na ang kanilang buhay sa New York, pero naiba ang timpla ng kanilang pagsasama roon.

Sikat na runway model si Kim na isang Fil-Ausie. Nang ikasal siya sa aktor, marami ang nagsabi na suwerte si Jericho dahil ito ang napangasawa niya.

Pero mukhang tulad nung una silang nagkilala, they are now on the wrong foot. Well, if they are better off as friends, so be it. Sa ngayon, katatapos lang ni Jericho ang pelikulang ‘Sellblock’ at may nagsasabing kaya uminit ang hiwalayan nila ni Kim ay upang ma-promote ang nasabing pelikula. What a way to promote it.

Tom bumalik na, Carla hindi raw natatakot

TomTom1BUMALIK na pala sa bansa ang aktor na si Tom Rodriguez. Umuwi ng Amerika ang US citizen na si Tom mula nang maghiwalay sila ni Carla Abellana.

Ayon sa isang report, kailangan nang bumalik si Tom dito sa Pilipinas dahil may mga commitment pa ito sa GMA7. Nakita sila na magkasama ng manager na si Popoy Caritativo.

Tiyak na pagpipistahan na naman ang tungkol sa kanila ni Carla.

Pagkatapos ng maikling panahon ng pagsasama bilang mag-asawa noong 2021 (bagama’t naglive in na sila mula noong 2014), naghiwalay sina Tom at Carla.

Nagulat ang lahat dahil parang smooth-sailing ang lahat.

Sinasabing malaking pera ang dahilan.

Diumano, nalustay ni Tom ang pera na ang karamihan ay galing sa pinaghirapan ni Carla.

Hindi naman nagsalita ang sinuman sa kanila sa tunay na dahilan. Sa “Fast Talk with Boy Abunda noong isang taon, sinabi ni Carla na dumating siya sa punto na nasagad na siya.

“Napakadaming dahilan,” aniya. “But basically, bottom line po is kumbaga umabot na po sa breaking point. Sobra na po.” Dugtong pa ni Carla:“There was still disrespect, all the lying, and all that. There was no change. Hindi po ‘yon first time na nangyari sa’min pero ito po ay taken to a different level. Extreme na po, mas malala na.”

Samantala, sa isang report ng GMA News, ano ang nararamdaman niya ngayong babalik na sa showbiz si Tom? Hindi maiiwsan na magkita sila, lalupa’t iisa sila ng network na pinagtatrabahuhan nila. Ani Carla.. “Okay lang. I don’t feel intimidated, scared, nervous, wala namang ganun.”

Marami pa ang pwedeng maganap sa pagkakataong ito.

AUTHOR PROFILE