Carla Abellana

Carla, handang makaharap si Tom… pero takot i-explore ang nirereto ni Kris

January 30, 2024 Vinia Vivar 140 views

Ayon kay Carla Abellana, hindi niya alam na nandito na sa Pilipinas ang ex-husband niyang si Tom Rodriguez.

“I didn’t even know, oo. Ngayon ko lang nalaman,” sey niya sa kanyang panayam kay Nelson Canlas sa contract-signing niya sa GMA-7.

Asked how does she feel, aniya, “Okay, eh di parang… I don’t feel, you know, intimidated, scared, nervous. Wala namang ganu’n.”

Inaasahan na rin naman umano niya na darating ang panahong ito at ilang beses na rin naman niyang naisip ito.

“Of course, artista siya, may obligation siya, he’s a Kapuso. Dadating naman talaga ‘yung day na babalik siya sa trabaho. Hindi naman maiiwasan ‘yan.

“I’ve thought about it many times. Expected naman ‘yan, nobody just knew when, ‘di ba?” she said.

Kung sakaling magkita naman sila o magkasalubong dahil nasa iisang network nga sila, aniya ay okay lang naman sa kanya.

“Okay lang, ready naman ako. Hindi naman ako ‘yung type na ‘ay ayoko,’ avoidant or what. You know, it’s inevitable, ‘ika nga,” sey niya.

Samantala, sa isa pang panayam ay nahingan din ng reaksyon si Carla hinggil sa pagse-set-up ni Kris Aquino ng date sa kanya.

Matatandaan kasing nag-comment si Carla sa health update ni Kris sa Instagram ng, “Prayers for you, Ms. Kris.”

Nag-reply naman si Kris ng “if you’re already in the process of getting annulled we have a doctor friend based in OC who might be a great match.”

Ayon kay Carla, natutuwa siya sa gesture ni Kris na ihanap pa siya ng partner kahit na may mga pinagdadaanan ito ngayon.

“I find it amusing and at the same time nakaka-flatter kasi naiisip niya pa ako. May ganoong nirereto siya, may suggestion siyang ganu’n. Ok naman. Nakakatuwa.

“In a way compliment pa nga ‘yon. Parang magandang gesture coming from her na meron siyang naiisip para sa akin,” sey ni Carla.

Pero ayon sa aktres, afraid pa rin siya na magdyowa ulit bukod pa nga sa nasa U.S. ang guy.

“Medyo mahirap iyon kasi all the way sa U.S. Medyo natatakot pa po ako.

“Not that I don’t want to take her offer or not that I don’t trust her pero sa ngayon parang tatawanan ko na lang muna. Hindi ko muna ie-explore ‘yun,” ani Carla.

AUTHOR PROFILE