Herlene

Herlene, nakipag-amuyan ng hininga kay Beauty

January 27, 2024 Vinia Vivar 117 views

Super happy si Herlene Budol na mapasama siya sa 2nd season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na pinagbibidahan nina Sen. Bong Revilla at Beauty Gonzalez.

Ipinagmamalaki nga niya sa grand mediacon ng nasabing action series na in-invite siya ni Sen. Bong noong birthday nito last September, 2023 at dito pa lang ay tuwang-tuwa na siya.

“Nu’ng birthday po ni Sen. Bong, nagulat ho ako, invited ho ako. Akala ko ho, hindi niya ako kilala,” kwento niya.

Of course, nagpunta siya at talagang nagulat siya dahil mga sikat na tao from showbiz and politics ang naroroon.

Tsika pa niya, nagpa-picture siya sa celebrities at politicians na dumalo.

“Doon pa lang ho, nagpapasalamat na ho ako,” aniya.

Doon nga rin sinabi sa kanya ni Sen. Bong na magkakatrabaho sila sa bagong season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis kaya sobrang kinilig si Herlene.

“Tuwang-tuwa po ako nu’ng nag-first taping day po ako as Mia. Ganu’n din po kay Miss Beauty nang magkita kami sa GMA Gala,” aniya.

Nang magkita raw sila that time ay bineso siya ni Beauty at nag-alala nga siya na baka nabahuan ito sa hininga niya.

“Sobrang kalog niya ho. Akala ko, mababahuan man lang siya sa hininga ko, ganu’n. Grabe siya magbeso ba. Alam n’yo ‘yung beso niya, parang langhap na niya lahat ng hininga ko nang gabing ‘yun,” kwento ni Hipon Girl.

Bilang nakainom na siya that night, siyempre ay baka hindi na mabango ang kanyang hininga.

“Siyempre, medyo nakainom-inom na ho ako nu’n, sabi ko, ‘hala, baka may masabi siya sa hininga ko,’” kwento ni Herlene.

Kaya naman sobrang proud niya na ‘yung mga dating pinapangarap lang niyang makasama ay nakakaamuyan na niya ng hininga ngayon.

Bukod kina Sen. Bong at Beauty, kasama rin ni Herlene sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 sina Carmi Martin, Jestoni Alarcon, Ejay Falcon, Dennis Padilla, Nino Muhlach, Dion Ignacio, EJ Ejercito, Roi Vinzon, Jay Manalo at marami pang iba.

Magsisimula na ang nasabing weekly action-comedy series sa Feb. 5, 7:15 p.m., sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE