Ruby

Ruby Ruiz, sumabak sa Hollywood series kasama si Nicole Kidman

January 27, 2024 Ian F. Fariñas 88 views

Ramdam ang Pinoy pride para sa isa sa mga bida ng Linlang na si Ruby Ruiz dahil pinagbibidahan niya ang Amazon Prime Video series na Expats kasama ang Hollywood star na si Nicole Kidman.

Parehong dumalo sina Ruby at Nicole sa star-studded premiere night ng Expats na ginanap sa New York City kamakailan.

Tinawag ng netizens na “pang-international” ang galing ni Ruby bilang aktres dahil bukod sa role niya bilang isang nanny sa Expats, puring-puri rin siya bilang ang mapagmahal na Lola Pilar sa global hit series na Linlang ng ABS-CBN.

Samantala, usap-usapan ang pilot episode ng Linlang: The Teleserye Version noong Lunes (Enero 22) matapos itong makakuha ng iba’t ibang trending topics sa social media at magtala ng 367,069 live concurrent views sa Kapamilya Online Live.

Ikinatuwa ng netizens ang napanood nilang never-before-seen scenes at inaabangan na rin nila ang mas nakakagigil na mga rebelasyon tampok ang mga karakter nina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman.

“Tama nga na mas maiintndhan ung teleserye version. kung ano mga pinaghuhugutan nila… Goodboy naman pala tong si Alex e. To palang si Victor basag ulo e malakas amats! @mepauloavelino pero pogi pa dn! Si amelia lang talaga ang nakakagigil! #LinlangPasabog,” post ni @juana78902023 sa X (formerly Twitter).

Sagarin ang gigil sa panonood ng Linlang: The Teleserye Version gabi-gabi, 8:45, pagkatapos ng FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

AUTHOR PROFILE