Beauty

Beauty, muntik mahagip ng pagputok ng bulkan sa Guatemala

January 27, 2024 Vinia Vivar 120 views

Hindi makakalimutan ni Beauty Gonzalez ang kakaibang experience nang pumunta sila ng Guatemala nitong Enero kasama ang kanyang asawang si Norman Crisologo at kaisa-isang anak na si Olivia.

Pumunta sila sa Guatemala to explore the beauty of the place at ang unforgettable experience niya ay inakyat niya ang isang bundok at habang inaakyat niya ay pumutok ang katabing bulkan.

Kasama ang ilan pang hikers ay umakyat si Beauty ng bundok at nagbahagi nga siya ng ilang videos sa kanyang social media accounts habang umaakyat.

Ayaw umano ng mister niya na sumama at pagurin pa ang sarili kaya pinayagan siya nito na umakyat dahil marami naman siyang hikers na kasama plus kakaibang experience nga naman iyon para sa kanya.

Kaso, bigla ngang pumutok ang isang bulkan doon na ikinaloka niya.

“Nu’ng pagputok niya, nag-CR ako. Nu’ng nakita kong pumuputok ‘yung bulkan, inangat ko ‘yung panty ko tapos tinawag ko ‘yung mga kasama ko,” tsika ni Beauty nang makapanayam namin sa grand mediacon ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2.

Pero itinuloy pa rin daw nila ang pag-akyat sa bundok and actually ay marami nga na kasamahan niyang hikers ang sumuko’t bumaba na lang.

From 30 hikers ay naging 15 na lang sila at siya ang pinakamatanda.

Hindi niya inisip na bumaba nang pumutok ang bulkan.

“Because it was good for me, it was good for my soul, it helped me realize na ‘yung mga problema na may solusyon, ‘wag problemahin. ‘Yung mga problema na walang solusyon, ‘wag mo na ring problemahin. So, ang dami kong na-realize nu’ng trip na ‘yun,” aniya.

“And if it’s my time, it will be my time, but you know, I just wanna do it. Nandiyan na, eh, ba’t hindi ko aakyatin? Okay pa naman ‘yung katawan ko,” dagdag pa niya.

Thank God, wala namang nangyaring masama sa kanya at bagama’t nag-alala rin ang mister niya ay very proud naman ito sa kanya sa kanyang bagong achievement.

“To many more mountains to climb,” sabi pa ni Beauty.

May mga gusto pa rsiyang next bundok na akyatin kabilang na ang Mt. Kilimanjaru.

Samantala, masayang-masaya si Beauty na nagkaroon ng 2nd season ang kanilang weekly series ni Sen. Bong Revilla na magsisimula na sa Feb. 4.

Sa 2nd season ay siya naman ang pulis kaya first time niyang gumawa ng action scenes.

Mapapanood ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis every Sunday at 7:15 p.m.

Kasama rin sa star-studded cast sina Carmi Martin, Jestoni Alarcon, Herlene Budol, Ejay Falcon, Dennis Padilla, Nino Muhlach, Dion Ignacio, EJ Ejercito, Roi Vinzon, Jay Manalo at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE