Ogie

Ogie, biktima ng fake endorsement

January 27, 2024 Vinia Vivar 95 views

Nilinaw ni Ogie Alcasid na fake news ang kumakalat na post ngayon na diumano ay galing sa kanya at nag-i-endorse ng produkto.

Ibinahagi ni Ogie sa Instagram ang screenshot ng naturang post kung saan ay may mga larawan siya at pinalalabas pang nasa ospital siya.

Ang nakasaad na caption ng fake Ogie account, “Thank God. Thank you to all the doctors at Asian Hospital and Medical Center for helping me recover…”

Makikita sa larawan na nasa hospital bed si Ogie at kalakip din ang photo ng isang produkto.

Sa caption ay nilinaw ni Ogie na hindi siya ang nasa larawan at hindi rin niya ini-endorse ang produkto.

“Guys hindi po ako ito. I have seen several posts of these and some have been reported pero wala pa ring tigil yung iba,” aniya.

“Nakakalungkot po,” sabi pa ng singer-songwriter.

Kasunod nito ay nagbigay ng babala si Ogie sa publiko na huwag itong paniwalaan.

“Please do not follow and believe these people. Unless i personally post on my soc meds any products, all of that you see claiming that i have endorsed them is false. The Lord Bless us all,” saad pa ni Ogie.

Sa comment section ay marami ang nagsabi na muntik na silang bumili ng produkto dahil akala nila ay si Ogie mismo ang nag-i-endorse.

AUTHOR PROFILE