Heaven

Heaven itinanggi ang relasyon kay Kimpoy

December 1, 2021 Aster Amoyo 256 views

KLINARO ng 22-year-old ex-PBB housemate-turned Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na mag-best friends lamang umano sila ng social media influencer an si Kimpoy Feliciano.

After her recent break-up with Kapamilya young actor na si Kiko Estrada, si Kimpoy ang kasa-kasama ni Heaven sa beach at sa iba pa niyang mga lakad with her other friends laluna when she celebrated her 22nd birthday last November 25.

Nagpapasalamat si Rica na meron siyang best friend katulad ni Kimpoy na handang dumamay sa mga panahong kailangang-kailangan niya ng kaibigan.

TVJTito, Vic and Joey 50 years nang magkakaibigan

SA isang taon (2022) ay magsi-celebrate na ng kanilang 50th anniversary ang Tito, Vic & Joey na binubuo nina Senate President Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Ayon kay Tito Sen (palayaw kay Sen. Tito Sotto), taong 1972 nang mabuo ang Tito, Vic & Joey.

Iisa ang passion noon ng Tito, Vic & Joey – musika.

On their golden anniversary, isa umanong TV special ang binabalak gawin ng “Eat Bulaga” producer na si Tony Tuviera para sa Tito, Vic & Joey, isang classic trio ng mga singer, composers, actors-comedians and TV hosts.

Hindi man regular na napapanood si Tito Sen sa “Eat Bulaga,” naroon ito sa mahahalagang okasyon ng top-rating and longest-running noontime show. Hanggang ngayon ay buong-buo pa rin ang pagkakaibigan at barkadahan ng tatlo maging sa kanilang paglalaro ng golf at mahahalagang okasyon ng kanilang respective families.

“Actually, parang kapatid at kapamilya na rin ang turing namin kay Pareng Joey. Hindi na siya iba sa amin maging ang kanyang pamilya,” pahayag ni Tito Sen na kandidato ngayon sa pagka-Vice-President.

Magmula nang pasukin ni Tito Sen ang larangan ng pulitika in 1988 bilang vice-mayor ng Quezon City, hindi kailanman nawala ang suporta sa kanya nina Vic at Joey.

Samantala, last September 22, 2021 ay nag-celebrate ng kanilang 50th year bilang mag-asawa sina Tito Sen at ang veteran singer-actress na si Helen Gamboa Sotto. Ito’y ginanap sa St. Thomas Aquinas Parish in Sto. Tomas, Batangas kung saan sila unang ikinasal nung sila’y magtanan in 1969.

Bea & JLCBea & JLC1Bea inamin na naging heartbreak si John Lloyd

SA isang panayam ay inamin ni Bea Alonzo na nagka-crush siya noon sa kanyang perennial screen partner na si John Lloyd Cruz during his “Tabing-Ilog” days hanggang sa sila’y magkatambal sa bakuran ng ABS-CBN in 2002 sa pamamagitan ng seryeng “Kay Tagal Kang Hinintay”. Hindi umano nawala ang kanyang paghanga at pagmamahal kay John Lloyd hanggang malaman niya may girlfriend na pala noon ang actor. Ayon sa actress, si John Lloyd umano ang kanyang unang heartbreak although hindi naman naging sila. Pero ang maganda, ito’y napalitan ng kanilang pagiging close na magkaibigan.

Ang tambalan nina Bea at John Lloyd ay maihahalintulad sa tambalan noon nina Vilma Santos at Christopher de Leon na nakagawa ng mahigit 20 movies na lahat blockbuster sa takilya pero never sila nagkaroon ng ugnayan sa isa’t isa.

Sina Bea at John Lloyd ay may bagong TVC sa Jollibee, ang “One True Pair” special movie naka-upload ngayon sa Jollibee Studios YouTube channel.

Samantala, hanggang ngayon ay nakabitin pa rin ang reunion movie project nina Bea at John Lloyd under Star Cinema na pamamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina. Sa pagkakaalam ng marami, network contract lamang meron sina Bea at John Lloyd with GMA kaya maaari pa rin silang gumawa ng movie sa ibang film outfit including Star Cinema.

Ang tambalan nina Bea at John Lloyd ay magtu-twenty years na sa susunod na taon.

Andrea nai-inspire sila ni Seth sa isa’t isa

HINDI ikinakaila ng 18-year-old Kapamilya young star at pinakabagong brand ambassador ng Beautederm’s Keiko and Kenzen health boosters (along with Maja Salvador) na si Andrea Brillantes na there was a time na gusto na umano niyang mag-quit ng showbiz dahil halos tatlong taon siya walang proyekto (from 2015 to 2018). Muli lamang nabuhay ang kanyang enthusiasm nang dumating ang offer to do “Kadenang Ginto” in 2018 along with newcomer then na si Francine Diaz. Nasabay pa rito ang kanyang pagsisimula sa pagbo-vlog kaya nakalimutan na niya ang plano niyang talikuran ang showbiz.

Bilang breadwinner ng kanyang pamilya, nakapagpatayo na si Andrea ng malaking bahay for her family. Nagpapasalamat din ang young star na tuluy-tuloy ang blessings na dumarating sa kanya at kasama na rito ay pagkuha sa kanya ng Beautederm as one of the brand ambassadors.

Samantala, inamin ni Andrea na sobra umano ang closeness nila ng kanyang ka-loveteam na si Seth Fedelin at kumportable umano siya kapag silang dalawa ang magkasama at magka-trabaho pero hindi nito sinabi kung sila na.

Naniniwala si Andrea na nagkakatulungan umano sila ni Seth sa kanilang respective career. They also inspire each other.

JulioJulio balitang laya na

BALITANG nakalaya na ang 63-year-old veteran actor na si Julio Diaz. Kung ito’y totoo, sana’y magsilbing aral na sa kanya ang kanyang mahigit tatlong taong pagkakakulong na may kinalaman sa droga.

Bago naaresto nung April 2018, si Julio ay tatlong taon siyang naging bahagi ng top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kabilang din siya sa 2018 afternoon TV series ng ABS-CBN, na “Asintado”.

Nakabalik na si Julio sa kanyang acting career nang muli itong ma-derail dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE