Angelica

Promise ring, regalo ni Angelica sa sarili

November 30, 2021 Vinia Vivar 131 views

Binigyan ni Angelica Panganiban ng bonggang birthday gift ang kanyang sarili at ibinahagi niya ito sa kanyang IG.

Ayon sa aktres, gusto niya ng simple pero pangmatagalan na birthday gift for herself kaya ang binili niya ay promise ring bilang pangako na mamahalin at aalagaan ang kanyang sarili.

Sa larawang ipinost ay makikitang suot ng aktres ang singsing.

“Gifting yourself is a way of self-love. Matagal akong nag isip ng perfect gift for myself para sa birthday ko. Gusto ko ng simple, pang matagalan, pero hindi naman masyadong masakit sa bulsa.

“So, i gave myself a promise ring. A promise to always look after myself. To keep doing better, to understand and to love more. To be more patient with myself. And to listen to my body, my mind and my heart.

“Masaya naman ako sa desisyon ko so kung naghahanap kayo ng pang malakasan na regalo sa darating na pasko, pwede ko pagaanin ang agam agam ninyo,” caption ni Angelica.

Komento naman ng kanyang fans, sana next time ay engagement ring na ang makitang suot niya.

REBELASYON

Magbabago na ang mundo nina Lena (Erich Gonzales) at Lukas (Raymond Bagatsing) dahil matutuklasan na nilang magkadugo at mag-ama sila ngayong linggo sa La Vida Lena.

Sa isang engrandeng party, magkakaroon ng matinding komprontasyon sina Lena at Lukas sa harap ng kanilang mga pamilya at kasosyo sa negosyo.

Pero emosyonal na papagitna sa kanila si Ramona (Janice de Belen) at ibubulgar nito ang katotohanang mag-ama ang dalawa na ikagugulat ng lahat.

Hindi naman papaniwalaan agad ni Lukas ang rebelasyon pagkatapos niyang siraan si Lena sa harap ng stakeholders ng kumpanya niya.

Nalaman kasi ni Lukas ang sabwatan nina Lena at Miguel (Kit Thompson) na bilhin ang sarili niyang kumpanya at tanggalan siya ng kapangyarihang pamunuan ito.

Napapanood ang ikatlong season ng La Vida Lena mula Lunes hanggang Biyernes, 10 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

AUTHOR PROFILE