Default Thumbnail

Healthy Paaralan inilunsad sa Bataan

March 14, 2024 Christian D. Supnad 93 views

MARIVELES, Bataan–Inilunsad ni Gov. Joet Garcia noong Miyerkules sa Baseco at Sisiman Elementary School ang programang Healthy Paaralan para sa Malusog at Matatag na KaBATAAN.

Nailunsad ang proyekto sa tulong ng Bataan Baseco Joint Venture Inc (BBJVI).

Sinabi ni Garcia na: “Ibinahagi po natin ang kahalagahan ng nasabing programa para sa ating mga estudyante para maturuan at masanay sila na kumain ng masusustansyang pagkain hanggang sa kanilang pagtanda at maging mas malusog upang mas mapataas pa po natin ang antas ng haba ng buhay sa ating lalawigan.”

Bukod sa paghahain ng masusustansyang pananghalian, naghahain din ang gobernador ng healthy snacks gaya ng nutribuns at smoothie tuwing Martes at Huwebes.

Kaugnay sa paglulunsad ng programa, lumagda rin si Garcia ng Memorandum of Agreement kasama si Dr. Carolina Violeta at Engr. Edgardo Ruiz.

“Taus-puso po tayong nagpapasalamat sa BBJVI, mga yunit pamahalaang lokal ng bawat bayan at mga kinatawan ng School Parent-Teachers Association (SPTA) at kabalikat na ating mga katuwang upang magtagumpay ang ating programa.

Nakasama po natin sa paglulunsad sina Vice Gov. Cris Garcia, Board Member Angelito Sunga, Mayor AJ Concepcion at mga kinatawan ng yunit pamahalaang lokal ng Mariveles at Department of Education-Bataan,” dagdag pa ng gobernador.