Crime Ang tinigok na call center agent at ang gunman. Mga kuha ni GIL AMAN

Call center agent tinigok; gunman tigok din

March 14, 2024 Gil Aman 117 views

Crime1PATAY ang 43-anyos na call center agent ng barilin sa opisina ng abogado ng isa sa dalawang suspek na napatay din ang isa habang sugatan ang kasama sa Brgy V-A, San Pablo City, Laguna noong Miyerkules.

Kinilala ni P/Lt. Col. Wilhelmino Saldivar, hepe ng San Pablo City police, ang biktima na si alyas Joseph.

Patay din ang isa sa gunman na si alyas Rodrigo ng mabaril ng pulis.

Sa report ni P/Maj. Reden Valdez, dakong alas-10:00 ng umaga habang nasa opisina ni Atty. Alfredo Lao Belen ang biktima ng dumating ang dalawang suspek at walang babalang binaril ng malapitan ang biktima.

Matapos ang matumba ang biktima tumakas ang dalawang salarin pero inabutan ni PSM Ronier Lozada ng San Pablo police Warrant Section malapit sa tapat ng Blesses malapit sa Central School.

Dagdag pa ni Major Valdez na nagpapagawa ang biktima ng certificate of affidavit kay Atty. Belen ng masundan ng mga suspek.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo ng pagpatay sa biktima.

AUTHOR PROFILE