Hataman

Hataman backs PBBM on creation of DPWH district office in BARMM

November 2, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 120 views

BASILAN Rep. Mujiv Hataman on Wednesday backed President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s proposal to create a district office of the Department of Public Works and Highways (DPWH) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Hataman, a former governor of the now-defunct Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), said President Marcos’ suggestion would help the immediate restoration of damaged bridges in Maguindanao following the devastation of Severe Tropical Storm Paeng.

“Nais nating magpahayag ng buong suporta sa panukala ni Pangulong Marcos Jr. na bumuo ng isang district office para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para mapabilis ang pag-aayos ng mga nasirang daan at tulay dulot ng Bagyong Paeng. Panawagan na natin ito noong 18th Congress pa lamang,” Hataman said.

“Napakaraming daan at tulay ang napinsala sa pananalasa ng nakaraang bagyo, at marami dito ang hindi madaanan, bagay na nagpapahirap sa pagpapadala ng tulong sa mga mamamayang nasalanta ng kalamidad,” Hataman said.

“Nakikita rin natin ang kahalagahan ng pagtatayo ng isang tanggapan ng DPWH sa BARMM na mangangasiwa hindi lamang sa pagkumpuni ng mga damaged infrastructure dulot ng Bagyong Paeng, kundi pati na rin sa patuloy na implementasyon ng national projects na pinopondohan ng pamahalaan,” Hataman explained.

The Basilan lawmaker recalled that he proposed the creation of DPWH district office in BARMM along with his colleagues in the previous 18th Congress.

“Noong nakaraang Kongreso, nag-file tayo kasama ang mga BARMM representatives ng isang resolution na humihiling na magtayo ng National DPWH office sa BARMM. Ito ay nakapaloob sa [House] Resolution No. 333 na nai-file natin kasama sina Datu Roonie Sinsuat Sr. at Esmael Mangudadatu ng Maguindanao, si Munir Aribson ng Sulu, si Rashidin Matba ng Tawi-tawi, sina Yasser Balindong at Ansaruddin Adiong ng Lanao del Sur, at si Amihilda Sancopan ng Anak Mindanao, na pawang mga kinatawan sa 18th Congress noon,” Hataman said.

“Nakita na natin noon na may kahirapan ang implementasyon ng national infrastructure projects sa BARMM dahil sa kawalan ng national office ng DPWH dito. Sayang lamang at hindi naisakatuparan ang nilalaman ng ating resolusyon noon,” Hataman said.

He said the establishment of DPWH district office in BARMM will help fast track the implementation of infrastructure projects and maintain roads and bridges for the benefit of the people in the region.

“Isang praktikal na mungkahi ang pagbubuo ng district engineering office ng DPWH sa bawat lalawigan ng BARMM upang mapangalagaan ang mga pambansang daanan o national highways, kaya ito isinulong ng mga Bangsamoro representatives noong 18th Congress. Dahil iniiwasan natin na magturuan kung sino ang mangangalaga ng mga kalsada pagdating ng panahon,” Hataman stressed.

“Hiling natin sa 19th Congress at sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. na ituloy na ang pagtatayo ng DPWH District Engineering Offices sa bawat lalawigan ng BARMM para sa mga ganitong pagkakataon na kailangang mag-implement ng mga national projects sa BARMM, pangalagaan ang mga national roads and highways, at para sa mabilis na pag-responde sa ganitong mga pagkakataon. Para ito sa ikagiginhawa ng nga mamamayan sa Bangsamoro at sa ikauunlad ng ating rehiyon,” Hataman added.

According to reports, six bridges are currently impassable in BARMM,

prompting DPWH Sec. Manuel Bonoan to order the regional director to restore mobility to the damaged bridges.

AUTHOR PROFILE