Frasco

Habang Kongreso recess, Rep. Frasco todo ayuda sa kababayan

January 9, 2024 Mar Rodriguez 211 views

Frasco1GINAGAMIT ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang oras niya habang naka-recess ang Kongreso sa pamamahagi ng tulong sa kaniyang mga kababayan, lalo na sa mga may kapansanan.

Hataw si Frasco sa pamamahagi ng tulong, partikular sa mga residente ng Catmon at Carmen na nakatanggap ng P4.5 million.

Nabatid kay Frasco na 803 beneficiaries na kinabibilangan ng mga Persons with Disabilities (PWDs) ang nakatanggap ng P3,000 bawat isa. Habang 345 katao mula sa creative industry ang nakatanggap ng tig-P6,090.

Sinabi ng kongresista na hindi lamang dapat tuwing Pasko ang pamamahagi ng tulong para sa mga kapos-palad.

Tinulungan din niya ang mga kababayan na minalas dahil sa malaking sunog sa Sitio Santa Maria, Barangay Pusok, Lapu-Lapu City.

AUTHOR PROFILE