Default Thumbnail

Gun, liquor ban sa Pista ng Sto. Niño sa 2 lugar sa Maynila

January 13, 2023 Jonjon Reyes 246 views

NAGPALABAS ng kautusan si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa mga tauhan ng Manila Police Dustrict (MPD) sa dalawang araw na gun at liquor ban sa parehong pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño de Tondo at sa Sto. Niño de Pandacan.

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, hepe ng MPD Public Information Office (PIO), ang kautusan ni Mayor Lacuna-Pangan ay mula Enero 14 hanggang sa araw mismo ng kapistahan ng Sto. Niño sa Linggo.

Dahil dito, mahigpit na ipatutupad ang gun ban at liquor ban sa Tondo partikular na sa area ng Pandacan, Maynila.

Ayon naman kay MPD Director Police Brigadier Gen. Andre P. Dizon, upang makasiguro ang mga station commanders na nakakasakop sa pagdiriwang sa Tondo at Pandacan police stations, ay initasan ang mga ito na paigtingin ang seguridad sa pagdiriwang ng kapistahan.

Nasa mahigit 300 kapulisan naman ang ikakalat sa bawat kalye upang maiwasan ang nagbabantang karahasan tulad ng away ng mga magkakalabang grupo, maging ang mga mapagsamantalang indibidwal na maghahasik ng kaguluhan kaya ipatutupad ang pagbabawal sa pagbebenta o pag-inom ng alak at pagdadala ng armas.

Ayon kay P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll , commander ng MPD Police Station 2 Moriones sa Tondo, mahigpit nilang babantayan kasama ang kanyang mga tauhan ang loob at labas ng Sto. Niño Church, lalo na sa mga mapagsamantalang criminal.

AUTHOR PROFILE