Default Thumbnail

Mga kalye sa Tondo, Pandacan, isasara sa daloy ng trapiko

January 13, 2023 Edd Reyes 243 views

Para sa pagdiriwang ng Sto. Niño fiestas

INIANUNSIYO ng Manila Public Information Office (MPIO) ang pagsasara sa daloy ng trapiko ng ilang mga lansangan sa Unang Distrito ng Tondo at Pandacan simula Sabado hanggang Linggo dahil sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto Niño.

Ayon kay MPIO chief Atty. Princess Abante, ang mga sumusunod na kalye sa Unang Distrito ng Tondo ay isasara sa daloy ng trapiko mula alas-12:01 ng madaling araw ng Sabado hanggang sa Linggo ng gabi, Enero 15 upang bigyang daan ang magaganap na “Lakbayan Festival” ng Sto. Niño de Tondo.

Ang kahabaang ng N. Zamora St. mula Moriones St. hanggang Chacon St.; Kahabaang ng Sta. Maria St. mula Moriones St. hanggang Morga St.; Kahabaan ng J. Nolasco St. mula Morga St. hanggang N. Zamora St.; Kahabaan ng Morga St. mula Asuncion St. hanggang Juan Luna St.; Kahabaan ng Ortega St. mula Asuncion St. hanggang Soliman St.; Kahabaan ng Lakandula St. mula Asuncion St. hanggang llaya St.; Kahabaan ng llaya St. mula Lakandutla St. hanggang CM. Recto Ave.; Kahabaan ng Chacon St. mula Cano St. hanggang N. Zamora St.; at kahabaan ng Soliman St. mula Morga St. hanggang Ortega St./N. Zamora St..

Ang mga motoristang dadaan ng J. Nolasco St. patungong Simbahan ng Tondo ay dapat kumanan ng Morga St., diretso ng Tuazon St. hanggang Wagas St. kaliwa ng Asuncion St. palabas ng C.M. Recto patungo sa kanilang destinasyon.

Lahat naman ng manggagaling ng Pritil gamit ang Zamora St. ay dapat kumaliwa sa Moriones St. hanggang Juan Luna St. patungo sa kanilang destinasyon habang ang mga motoristang gagamit ng C.M. Recto/Asuncion St. ay dapat kumaliwa sa Lakandula St. patungo sa kanilang destinasyon.

Samantala, isasara rin sa daloy ng trapiko para naman sa “Buling-Buling 2023” sa Pandacan ang mga sumusunod na lansangan.

Kahabaan ng Jesus St. mula Quirino Ave. hanggang Palumpong St.; Kahabaan ng Palumpong St. mula Jesus St. hanggang Beata St.; Kahabaan ng Beata St. mula Jesus St. hanggang T. Claudio St.; Kahabaan ng E. Zamora St. mula Quirino Ave. hanggang Hilium St.; at kahabaan ng ML. Carreon St. mula T. Claudio St. hanggang Pedro Gil St.

Ang lahat ng mga sasakyang gagamit ng kahabaan ng Jesus St. mula Mabini Bridge (dating Nagtahan) ay dapat dumiresto sa Pres. Quirino Ave. patungo sa kanilang destinasyon.

Lahat naman ng mga behikulong gagamit sa kahabaan ng E. Zamora St. mula Pres. Quirino Ave. ay dapat dumiretso sa Mabinid Bridge o kaliwa sa P. Guanzon St. patungo sa kanilang destinasyon at ang mga motorista namang magmumula sa Paco-Sta. Mesa Bridge/Interlink na gagamit ng kahabaan ng Beata St. patungong Palumping St. ay dapat dumiretso na lamang sa Pres. Quirino Ave. patungo sa kanilang destinasyon.

Sinabi ni Atty. Abante na ang Lakbayaw at Buling-Buling Festival ay parehong kasiyahan sa pagsasayaw sa lansangan bilang pagkilala sa Kapistahan ng Sto. Niño.

Ang Lakbayaw o “Lakbay-Sayaw” ay isang tradisyunal na pagsasayaw sa lansangan ng mga deboto habang bitbit ang imahe ng batang Niño Jesus na sinasaliwan ng Ati-Atihan habang ang Buling-Buling ay isa ring tradisyunal at relihiyosong pagsasayaw ng mga Pandaqueños sa lansangan suot ang makikintab na damit na sinasaliwan naman ng musika ng mga nagmamartsang mga banda.

AUTHOR PROFILE