Joshua

GMA, tahimik sa Joshua-Gabbi team-up

August 31, 2022 Jun Nardo 284 views

Gabbi

WALA pang kumpirmasyon mula sa GMA Network kung totoo ang kumakalat na post sa social media na magsasama sa isang series sina Gabbi Garcia at Joshua Garcia sa joint venture project ng Kapuso at Kapamilya Networks.

Eh, kahit parehong Garcia ang kanilang apelyido, wala namang impormasyon kung may relasyon sina Gabbi at Joshua, huh!

Mayroon nang kasunduan ang GMA at ABS pagdating sa ilang Star Cinema movies. Napapanood na sa ibang channels ng Kapuso ang movies na identified sa Star Cinema.

Good news kung sakaling totoo ang balita, huh! Tutal naman “pause” muna ang pormal na pagsasama ng Channel 2 at TV5.

WAGI SA RATINGS

MOST-WATCHED TV show ng 2022 ang Lolong. Dinoble nito ang ratings ng katapat na programa, ang Darna. Mula sa data ng Nielsen Philippines mula Enero 1 hanggang Agosto 14, nagtala ang Kapuso adventure serye ng combined average people’s rating na 15.5% (GMA at GNTV) sa Total Philippines kaya naman ito ang nasa top spot ng mga pinaka pinanonood na show sa nasabing period.

Nitong August 25, Huwebes, naitala nito ang highest rating na 18.7%. Ang Darna ay nakakuha ng combined people rating na 9.7, 9.4 at 9 percent.

Kahit saang aspeto, panalung-panalo ang Lolong.

AUTHOR PROFILE