Gina

Gina balik-acting bilang lola ni Bea

August 31, 2022 Aster Amoyo 545 views

BALIK telebisyon ang award-winning actress at TV director na si Gina Alajar bilang actress sa GMA remake ng Korean hit TV series na “Start-Up PH” na magkatulong na pinamamahalaan nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata. Ang nasabing TV adaptation ay tinatampukan nina Bea Alonzo, Alden Richards, Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.

Gina is playing the role of Ligaya `Joy’ Sison (Mrs. Choi), grandmother of Bea’s character as Donna `Dan’ Sison while Yasmien plays the role of Katrina Sison/Ina Diaz habang si Jeric as Davidson `Dave’ Navarro.

Kasama rin sa nasabing serye sina Kim Domingo, Royce Cabrera, Boy2 Quizon, Ayen Munji, Jackie Lou Blanco, Nino Muhlach, Lovely Rivero, Kevin Santos, Jojo Alejar, Bernadette Allyson at kung saan naman may special partricipation sina Ricky Davao, Gabby Eigenmann at Neil Ryan Sese.

May mga netizens naman ang nag-comment na hindi raw ba masyadong matanda si Bea para maging apo ng character ni Gina at maging anak ng papel na ginagampanan ni Yasmien who is one year Bea’s junior?

Alden at Bea magtatambal din sa pelikula

SAMANTALA, malapit nang matunghayan sa ere ang “Start-Up PH” ngayong buwan ng September. Ito bale ang first team-up in a drama series nina Alden Richards at Bea Alonzo magmula nang maging Kapuso ang dating Kapamilya star.

Kung matatandaan pa, mas naunang napabalita ang pagtatambal ng dalawa sa isang Korean movie adaptation na magkakatulong na ipu-produce ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment na siyang may hawak ng exclusive film contract ni Alden pero hindi pa rin ito nasisimulan hanggang ngayon.

Bea and Alden were supposed to have started the movie adaptation of a Japanese material, ang “Pure Soul” which was adapted into Korean movie na “A Moment to Remember”.

Nang makausap namin si Boss Vic del Rosario ng Viva, he told us na tuloy umano ang first movie team-up nina Bea at Alden, hopefully soon.

JaoJao

Pagpipinta nakatulong kay Jao sa panahon ng pandemya

MAY painting exhibit ang dating matinee idol-actor at painter na si Jao Mapa na pinamagatang “Jao Mapa Reborn” simula ngayong September 1 – 15, 2022 sa Dry Brush Gallery ng SM North EDSA kung saan 18 sa kanyang paintings ay kasama sa exhibit along with other artists.

His last exhibit ay nung 2012 sa Grey Gallery in Antipolo City. He also did solo and group exhibits in the past at kasama na rito ang Ayala Museum in 2003.

Hindi ikinakaila ng actor-painter na malaki umano ang naitulong sa kanyang pamilya ang kanyang paintings at the height of the pandemic dahil dito umano siya nag-focus at marami umano siyang naibenta pati sa ating mga kababayan sa ibang bansa.

When Jao is not busy sa kanyang showbiz commitments, ang pagpipinta ang kanyang binabalikan.

Karamihan sa kanyang subjects include “Sabongero,” “Pamilya,” “Basurero,” “Pista,” “Labandera,” “Umaga,” “Jesinera,” “Nipa Hut,” “Mag-ina,” “Date,” “Prusisyon” “Last Supper,” “Inuman,” “Biyahe,” “Camp Site,” “Playstation,” “Fairies Symphony,” “Paro-Parung Diwata,” “Mukha,” “Bayanihan” at marami pang iba na kadalasanan nakikita sa ating kapaligiran at pang araw-araw na buhay.

Big paintings would take Jao weeks and even months to finish at depende rin sa kanyang mood. Small paintings would only take him a couple of days.

Si Jao ay naging pang-apat na miyembro ng “Guwapings” in the early `90s na binubuo nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana and Eric Fructuoso at first movie nilang apat na magkakasama ang “Pare Ko” kung saan din tampok si Claudine Barretto. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes at ipinalabas nung January 1995. They were all in their teens.

Una siyang naging popular sa kanyang Pepsi commercial bago siya nag-showbiz.

It was in 2000 nang pansamantalang talikuran ni Jao ang showbiz para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng Fine Arts (major in Advertising) sa UST.

After he graduated in 2003, binalingan niya ang pagpipinta at saka muli bumalik sa showbiz as an adult.

Jao had a guest stint sa nagtapos na hit primetime TV drama series na “The Broken Marriage Vow” at naging leading man ni Rhen Escano sa sexy-drama movie na “Paraluman” in 2021.

Jao is happily married to Cecille at meron silang three grown-up children na sina Benjamin, Caleb at Amber Marie.

Ayanna

Paghuhubad ni Ayanna nauunawaan ng pamilya

ISA si Ayanna Misola sa mga in-demand sexy actress sa bakuran ng Viva Films. She was introduced in the sex-comedy movie na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar – 2” at magmula noon ay naging sunud-sunod na ang pelikulang ginawa niya na lahat ay ipinalabas sa popular Vivamax streaming app. Kasama na rito ang “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili,” “Putahe,” “Siklo,” “L Series,”

“Iskandalo” and her latest movie, ang sexy drama -thriller na “Bula” na pinamahalaan ni Bobby Bonifacio, Jr. who also co-wrote the material.

Ayon kay Ayanna, nagbi-bare man daw siya sa kanyang ginagawang pelikula, ito’y bahagi lamang daw ng kanyang trabaho bilang actress at ito’y nauunawan naman umano ng kanyang pamilya.

Bukod kay Ayanna, kasama rin sa pelikulang “Bula” na mapapanood ngayong September 2 on Vivamax sina Gab Lagman (na lumusong na rin sa pagpapa-seksi sa pelikula), Mon Confiado, Ana Abad Santos, Alvaro Oteyza, Miles Victoria, Andrea Fren at Nic Galvez.

Wilbert

Singer-composer Wilbert Ross nalilinya sa sexy movies

ISA sa mga tinututukan ng Viva Films ngayon ay ang 25-year-old singer, songwriter, dancer-turned sexy actor and all-Male dance group Hashtags member na si Wilbert Ross.

Si Wilbert ay napasama sa sexy-comedy movie na “Shoot, Shoot” na sinundan ng “Crush Kong Curly” and was launched sa pelikulang “Boy Bastos” na sinundan ng kanilang pangalawang lead na “High On Sex”.

Muli siyang nagbabalik sa isa namang sexy-comedy movie na “5 in 1 :Patay Kang Manyak Ka” na pinamahalaan ni Direk GB Sampedro. Tampok din sa nasabing movie sina Rose Van Ginkel, Debbie Garcia, Jela Cuenca, Ava Mendez at Angela Morena.

Bukod kina McCoy de Leon, Jameson Blake, Nikko Natividad, Ryle Santiago at iba pa, isa si Wilbert sa naging miyembro ng Hashtags dance group na hataw ngayon sa paggawa ng pelikula, on top of his singing career.

Si Wilbert ay sumali rin noon sa “Tawag ng Tanghalan” singing competition ng “It’s Showtime” at sa Pinoy Boyband Superstar kung saan siya pumasok sa Top 20.

Although singing at pagku-compose ang kanyang first love, ini-enjoy niya rin ngayon ang kanyang pagiging actor.

Nalilinya siya ngayon sa mga sexy-comedy movies sa bakuran ng Viva.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE