Default Thumbnail

Ginang napaanak sa tapat ng PCG HQ

April 9, 2023 Zaida I. Delos Reyes 201 views

LIGTAS na nailuwal ng isang ginang ang kanyang anak matapos na tulungan ng medical team mula sa Philippine Coast Guard o PCG nang biglaang mag-labor sa tapat ng headquarters ng Coast Guard District Southeastern Mindanao kagabi.

Batay sa ulat ng PCG, humingi ng tulong ang ginang kasama ang kanyang partner na maihatid sila sa pinakamalapit na ospital dahil nananakit na ang tiyan ng ginang.

Gayunman, habang inaasikaso ang kanilang masasakyan ay bigla na lamang nag-labor ang babae at napa-anak sa tapat ng headquaters.

Mabilis namang rumesponde ang medical team at inalalayan sa panganganak ang ginang at sinigurong ligtas ang sanggol.

Nang mailuwal ang bata ay isinakay ang mag-ina sa Coast guard ambulance at inihatid sa Southern Philippines Medical Center.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mag-partner na residente ng Barangay Sasa, Davao City sa mabilis at maingat na pagtulong ng PCG.