Default Thumbnail

Dating provincial administrator ng Pangasinan natagpuang patay sa loob ng sasakyan

April 9, 2023 Zaida I. Delos Reyes 330 views

PATAY na nang matagpuan ang dating provincial administrator ng Pangasinan sa loob ngnnakaparadang sasakyan sa Sta Barbara, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na sibAlbertini Saingan de Guzman, 73, at residente rin ng naturang lalawigan.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) ang biktima ay natagpuan sa loob ng sasakyan na nakaparada sa Barangay Poblacion Norte, Sta Barbara, Pangasinan.

Ayon kay Police Captain Renan Dela Cruz, spokespeson ng Pangasinan Provincial Police Office, isang residente ang tumawag sa kanilang tanggapan upang ipagbigay-alam ang kahina-hinalang sasakyan na nakaparada sa lugar.

Sa pagresponde ng pulisya, binuksan ng mga ito ang sasakyan at nakita ang biktima sa gilid ng driver na may tali ng sapatos sa leeg.

Isinugod pa ang biktima sa pagamutan subalit idineklara itong dead or arrival ng attending physician.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang bigyang linaw ang insidente.