Default Thumbnail

137 NPA at local terrorists, na- neutralize ng AFP sa unang quarter ng taon

April 9, 2023 Zaida I. Delos Reyes 308 views

AABOT sa 137 miyembro ng New People’s Army (NPA) at lokal na terorista ang na- neutralizeng Armed Forces of the Philippines (Afap) sa unang quarter ng 2023.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Jorry Baclor, ang naturang bilang ay bunga ng isinagawang focused military operationsa buong bansa ng militar mula January 1, hanggang March 31,2023.

Sa operasyon laban sa communist terrorist groups of CTGs , aanot sa 82 miyembro ang na- neutralize, 17 sa mga ito ang napatay sa combat operations, 20 ang naaresto at 45 ang sumuko.

Nakakumpiska din ang AFP ng 210 na armas sa mga naganap na engkwentro, 109 ang isinuko habang 87 anti-personnel mines ang nadiskubre at 51 encampments ang nakubkob,

Sa natitirang 22 guerilla fronts ng CTG, tatlo na lamang ang aktibo habang ang 19 ay itinuturing na mahina na at malapit na ring malansag.

Sa operasyon naman laban sa bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) nawalan ang grupo ng 30 miyembro, 28 sa mga ito ang sumuko at dalawa ang naaresto. Umabot din sa anim na armas ang nasamsam sa gitna ng bakbakan at 29 ang isinuko.

Sa opensiba laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), tatlong miyembro ang nasawi sa combat operations, 18 ang sumuko at 64 armas at 9 na APMs ang na-recover.

Tatlong miyembro rin ng teroristang Daulah Islamiyah ang nasawi sa focused military operations , isa ang sumuko habang isang armas at tatlong APMs ang nakumpiska.

Ang matagumpay na operasyon laban sa mga terorista ay naisagawa dahil na rinnsa dedication at commitment ng tropa ng AFP saa tulong ng lokal na pamahalaan at iba pang law-enforcement agencies.