Gerald

Gerald sa isyung buntis si Kylie: Hintayin natin nine months from now

September 14, 2022 Vinia Vivar 214 views

Sinagot ni Gerald Anderson ang umiikot na tsismis sa showbiz na nabuntis niya si Kylie Padilla habang gumagawa sila ng movie sa Switzerland.

Sa vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi, ipinakita nila ang video ng interview ni Mama Ogs kay Gerald.

Kinantiyawan ni Ogie ang aktor na ang aga ng publicity ng pelikula na ang tinutukoy nga ay ang tsikang may relasyon sila ni Kylie at nabuntis pa umano niya ito.

Nasakyan naman agad ni Gerald ang ibig tukuyin ni Ogie kaya ganting biro niya, “Ikaw ‘ata gumawa ng publicity nu’n.”

Nagkatawanan sila.

Paliwanag naman ni Ogie, “’Oy, hindi, meron kaming pinagbatayan nu’n. Meron kaming pinagbasehan nu’n. Dinukot lang namin ‘yung news na nagkakamabutihan kayo.”

Dagdag pa ni Ogie, “Ang aga nga ng promo, eh.”

Sagot naman ni Gerald, “Sana nga, pinalabas na agad ‘yung pelikula, eh. Para sumabay do’n, eh.”

Hirit ulit ni Gerald hinggil sa isyu, “Sige, hintayin natin nine months from now.”

Tapos na raw nila ni Kylie ang movie at ibinalita nga ng aktor na may isa pa siyang movie na ginawa sa Russia.

“Hindi ko kasi nabuntis ‘yung ano ru’n kaya hindi mo pa alam kung anong…,” sabi pa ni Gerald.

Last year pa raw niya natapos ang movie na baka sa Netflix mapanoood.

Mga Russian daw ang kasama niya sa proyekto.

Tanong ulit ni Ogie, “So, hindi totoo ‘yung sa inyo ni Kylie?”

Sagot naman ni Gerald, “Hintayin nga natin nine months from now.”

AUTHOR PROFILE