Zia

Zia at kabayong si Floris, may koneksyon — Marian

September 14, 2022 Jun Nardo 134 views

AMINADO si Marian Rivera na kinabahan siya nang mag-horseback riding ang anak niyang si Zia.

Sa ipinasilip na video ni Yan sa Facebook, kita ang gracefulness ni Zia habang nakasakay sa kabayo na Floris ang name.

Dagdag sa talents ni Zia ang kaalaman sa horseback riding, huh!

Pahayag ni Marian sa isang interview sa “Chika Minute,” “Sobrang nag-i-enjoy siya. At sabi nga ng may-ari ng kabayo, parang may koneksyon si Zia at saka ‘yung horse talaga which is a good sign dahil alam mong nag-i-enjoy sila together.”

Of course, bilang isang ina, kabado si Marian sa sa bagong moment ng panganay na anak, huh!

RAYMOND, MAY PA-PWET SA ‘ESCORT WIFE’

MAY pa-wetpaks (puwet) ang magaling na aktor na si Raymond Bagatsing sa Vivamax movie na The Escort Wife.

Ang sexy star na si Janelle Tee ang binakbakan ni Raymond sa kama nang ilang beses pati na ang baguhang si Ava Mendoza.

Eh, kahit may mapangahas na mga eksena with the two girls, naipakita pa rin ni Raymond ang husay sa pag-arte na tatak na niya sa nakaraang movies at Tv shows niya.

Isang bored housewife ang role ni Janelle at ginaya niya ang character ni Ava pagdating sa pagbingwit ng mga kliyenteng lalaki para ma-satisfy ang pagkukulang ng asawa.

Unang erotic film ni Direk Paul Basinilio ang The Escort Wife na mula sa kuwento ng isang babae sa New York City.

AUTHOR PROFILE