Janelle

Mga magulang, tutol sa pagpapa-sexy ni Janelle

September 14, 2022 Vinia Vivar 164 views

Inamin ni Miss Earth Philippines 2019 Janelle Tee na hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng parents niya ang kanyang pagpapa-sexy.

“Hindi talaga namin pinag-uusapan ho ‘yung pagpapa-sexy ko,” aniya sa ginanap na private screening at mediacon ng latest sexy film niyang The Escort Wife.

“Much better na rin po na ganu’n kasi nga, nasa Davao po kasi sila, wala naman sila rito with me, so hindi talaga nila nakikita or kung napapanood man nila, sa interviews lang,” patuloy niya.

Bagama’t hindi nga nila ito pinag-uusapan, alam naman niyang hindi pa rin talaga tanggap ng mga magulang niya ang ginagawang pagpapa-sexy.

“I know, until now, ‘yung pagpapa-sexy siyempre, alam ko na hindi pa rin nila tanggap,” she said.

Marami ang pumupuri kay Janelle sa kanyang pag-arte, kabilang na ang mga direktor na nakakatrabaho niya pati na rin ang kanyang co-stars at wish niya na sana ay nakikita rin ito ng kanyang pamilya.

“I hope na they are also proud of me in terms of the acting skills na naipapakita ko sa mga film,” aniya.

Samantala, sa The Escort Wife ay kakaibang acting skills na naman ang ipinakita ni Janelle bilang asawa ng karakter ni Raymond Bagatsing.

Kasama rin sa pelikula si Ava Mendes at introducing naman si Yves Santiago.

Magsisimula nang ipalabas sa Vivamax ang The Escort Wife bukas, Sept. 16.

AUTHOR PROFILE