Default Thumbnail

Gang war tinitingnan sa pagdedo sa kelot sa Tondo

January 22, 2023 Jonjon Reyes 314 views

PALAISIPAN sa mga awtoridad kung may kinalaman sa gang war ang pagpatay sa isang binata sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Manila, 4:30 a.m. nitong linggo.

Nakilala ang biktimang si Adrian Shane Ochangco, 23, ng Riverside Katuparan Village, Vitas Tondo

Sa kasalukuyan ay blanko pa ang pulisya sa pagkakakilalan sa tumakas na salarin.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla hepe ng Manila Police District- Homicide Section at report ni Det. Irene Jay Manalili, may hawak ng kaso, ang binata ay pinagbabaril sa habang naglalakad sa harap ng Smokey Mountain kasama ang isang ‘Marjorie’ sa Northbound lane , Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 sa Tondo.

Sa report ni Det. Irene Jay Manalili, may hawak ng kaso , habang naglalakad ang biktima kasama ang alyas ” Marjorie” nang malapitan itong pinagbabaril ng gunman.

Namatay noon din ang biktima, kasabay ng pagtakas ng suspek papuntang Navotas City.

Bukod sa hinihinalang ” Gang war” selos ang isa sa binubusisi ng mga operatiba.

AUTHOR PROFILE