Default Thumbnail

Dragon boat competition sinalubong Year of the Rabbit

January 22, 2023 Jonjon Reyes 189 views

NAPUNO NG KASIYAHAN ang Araw ng pagdiriwang ng Lunar Chinese New Year ng Year of the Rabbit sa isinagawang Dragon Boat competition sa ilog Pasig, sa Sta.Cruz Manila umaga nitong linggo.

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Inforkation Office, nagsimila ang paligsahan ng Dragon Boat ng bandang 9:15 ng umaga.

Nasaksihan ng may 300 mahigit na indibidual ang nasabing parada.

Sinimulan ito sa may Escolta Ferry Station ng dakong 9:15 ng umaga na inasistihan ni Police Captain Joel Roja ng Meisic Police Station 11.sa Binondo.

Umabot sa 160 participant na may 16 na bangka ang nakilahok sa Boat Dragon Competition.

Iniutos ni MPD- Director PBig.Gen.Andre P. Dizon ang seguridad sa buong area ng Binondo na kung saan ipinagdiriwang ang buong maghapong selebrasyon.

Ayon sa mga organizer ng iba’t ibang non-government organizations, bisperas pa lamang ay mayroon na silang mga fireworks na sinindihan pagsapit ng 12:00 ng hatinggabi bilang pagsalubong sa Year of the Rabbit hanggang kinabukasan ng linggo.

Siniguradong 24/7 ang pagbabantay ng may higit isang libong operatibang naka-duty kabilang ang mga tauhan ni Regional Director Police Major General Jonnel Estomo ng NCRPO.

AUTHOR PROFILE